Sunday, 29 March 2009
Carlo Guevara enjoys challenge of gay roles
"Sunud-sunod din ang naibibigay na assignments sa akin," sabi pa ng guwapitong si Carlo. "After na mapansin ang mga ginawa ko sa Desperadas 2 na nakakatawa talaga, balik ako sa TV, through Kambal sa Uma.
"Enjoy ako sa role ko bilang taga-perya. Rumaraket ako sa karera ng daga, minsan nagpapanggap na taong gagamba, taong syokoy. Kung anu-ano," at natawa si Carlo.
Mahalaga rin ang role ni Carlo rito dahil siya ang magliligtas kay Ella (Melissa Ricks) sa mapanggamit na si Leon (Jordan Herrera).
"Itatago ko si Ella at patitirahin ko sa bahay. Ganoon yung takbo ng istorya namin.
"Nag-e-enjoy ako, kasi, gusto ko yung ginagawa ko, itong pag-aartista," aniya.
Dahil modelo siya, mukhang hindi siya nalalayo sa sexy roles sa hinaharap.
"Okey lang naman sa akin," sabi niya. "Huwag lang yung grabe, medyo tama lang. Yung bagay naman sa packaging sa akin. Pa-wholesome pa rin naman ako."
Career at family ang inuuna niya. Pero, sabi rin niya, nariyan din lang ang lovelife.
"Inspiration lang, pero dapat talaga, naka-focus sa career. Sa ngayon, trabaho lang naman ang dapat kong unahin," aniya.
WHAT HAPPENED TO HIS "RIVAL"? Ano na ang nangyari sa sinasabing rivalry nila ng Be Bench competitor niyang si John James Uy?
"Magkaibigan kami nun. Sinakyan lang namin yung mga intriga sa amin, pero alam ng mga malalapit sa amin, never kaming nag-away. We had fun when we joined Be Bench, kasama na roon ang biruan na kunwari, nagkakaasaran kami. But that was nothing," sabi niya.
Close pa rin daw sila ni Ron Morales. Pare-pareho rin silang binibigyan ng kanya-kanyang assignments as contract stars ng Star Magic at Bench. Wala naman daw samaan ng loob talaga.
"Noong una nga, akala ko, modeling lang," natatawa si Carlo. "'Tapos, may mga intrigahan nang ganyan, kaya alam kong part na 'yan ng showbiz. Iba kasi pag modelling, hindi napapalaki ng ganyan yung mga sinasabi lang.
"Kasama kasi ang Star Magic contract sa pagkakapanalo ko. Happy naman ako at nasusunod yung contract. Sinubukan ko lang ang pag-aartista hanggang ma-enjoy ko na," banggit pa ng binata.
Kakaibang experience pa rin ito para kay Carlo. Lalo na ang pakikipagtrabaho with Melissa Ricks na nababaitan daw siya. Aniya pa, "Friendly siya at maganda ang bonding namin."
KISSING OGIE. Dahil sa pakikipaghalikan niya kay Ogie Alcasid sa Desperadas 2, nagmarka rin si Carlo.
"Wala naman akong inhibitions, basta para sa akin, trabaho lang yun," sabi pa ni Carlo. "Pumayag ako roon, kasi, sex comedy ang tipo ng pelikula. Dapat na maintindihan kong kailangan yun sa istorya.
"Si Kuya Ogie pa ang kapareha ko. Sa kanya nga, walang problema. Ako pa kaya? Sino ba ako? Trabaho lang naman 'yan.
"Dapat kasi yun, dadayain na lang. Sabi ni Kuya Ogie, alangang tingnan. Mas maganda yung mag-kiss na lang kami. Totoong-totoo, mas okey. Kinilig nga yung mga tao," natatawang sabi ni Carlo.
JC Tiuseco's successfully completes his Ultimate Challenge
Pero bago pa man maisalang at hanggang sa matapos ang show ay hindi nawala ang kaba sa dibdib at hiyang nararamdaman ni JC. Kitang-kita yun sa kanya onstage, pero, nakangiti nga itong humingi ng pang-unawa sa audience na pagpasensiyahan siya dahil first time niya lang ginawa ang kumanta ng live.
At sa first show ni JC, naipakita niyang kaya pala niyang magdala ng show dahil napuno talaga ang Zirkoh at na-sold-out ang tickets ng show niya. Naaliw naman kami sa kanya nang mapa-dialogue ito ng, "Naku, lalo akong ninerbiyos!" nang malaman nga niyang punung-puno ang Zirkoh.
A few hours before the show at Zirkoh's dressing room, tinanong siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano nakapag-udyok sa kanya to come up with a pre-birthday show.
Aniya, idea ito ng management agency na nagha-handle sa kanya. "It's also a benefit show na ang magbe-benefit, yung CBC Foundation. Parang patubig sa isang community sa Bulacan.
"Pero kung ako po ang tatanungin, hindi ako papaya [na mag-show] kasi, three months pa lang ako sa showbiz. Hindi ko kaya 'to. Kahit ako, aminadong hindi ko kaya 'to. Hindi ko alam kung bakit ako nandito," natatawang sabi niya na hindi talaga mapakali sa magkahalong excitement at kaba sa una nga niyang solo show.
So base sa eksplenasyon niya, lumalabas na napilitan lang siya sa ginagawa niya?
"Noong malaman ko naman po na may magbe-benefit na foundation, sige na, okey na sa akin," nakangiti pa rin niyang sabi.
Ultimate Challenge ang title, so, yun talaga ang napi-feel niya?
"Ultimate Challenge kasi, hindi naman ako kumakanta, hindi rin ako sumasayaw. At saka, sobrang mahiyain ako, di ba? Kaya sobrang challenge sa akin ito. Ngayon pa lang, parang gusto ko nang matapos, gusto ko nang umuwi. Ha-ha-ha!"
Sa mga ginagawa niya ngayon, masasabi na ring tila lahat ng klase ng challenge sa showbiz ay nagagawa na niya. From being the first Pinoy Survivor, to hosting, acting at ngayon nga ay ang mag-perform naman in a solo show.
"Happy naman po ako. At least, na-experience ko ito sa buhay ko. Hindi rin naman po lahat ng tao, nakaka-experience ng ganito. At saka, first showbiz birthday ko rin po. Masaya rin po kasi ako sa ginagawa ko. Para siyang hindi trabaho sa akin. Enjoy lang ako sa kung ano ang dumarating, kung ano ang ipinapagawa sa akin."
KATRINA HALILI. Si Katrina Halili ang naging special guest niya. May naglalabasan na ring items na crush daw niya ang Kapuso female star, especially, nang makilala niya ito nang magkasama sila sa trabaho.
"Maganda naman po si Katrina. Masarap po siyang katrabaho. Nakatrabaho ko na rin po siya sa Dear Friend. Nag-Maynila rin po kaming dalawa. Okey naman po."
Yung tipo ba ni Katrina ang mga type niya?
"Bakit naman po hindi? Okey naman po si Katrina, mabait naman po siya."
Between Katrina and Jewel Mische na pareho niyang nakasama sa Dear Friend, masasabi niya bang mas attracted siya kay Katrina?
"Hindi ko po alam. Pero, mas nakakausap ko po kasi si Katrina than Jewel noong taping. 'Tapos, si Kat pa po, dalawang beses ko nang nakakasama. Noong nag-taping kami ni Jewel, okey naman po, mabait naman po si Jewel, pero, hindi pa lang kami masyadong naging close."
Sa huli, tinanong namin si JC kung ano ba ang birthday wish niya. "Gusto ko lang palaging masaya, lalo na yung mga tao sa paligid ko. Like sa career, sana mas umangat pa. More projects to come. At saka, sana okey lahat. Walang problemang darating,'' sabi ng first Pinoy Sole Survivor.
Ultimate Hunk Aljur Abrenica nominated for Most Promising Male Star at the GMMSFI awards
Aljur was nominated the Most Promising Male Star by Gulliermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. The young actor admits that he doesn't know much about the awarding, so he researched about it, and realized that being nominated is such a big thing.
"Ang masasabi ko lang, napaka-thankful ko sa binibigay sa 'kin ni Lord. Kasi sunud-sunod yung blessings, e. Wala talaga 'ko masabi, and salamat. Salamat sa mga nagdesisyon."
Aljur can be seen in the noontime TV series of GMA-7, Dapat Ka Bang Mahalin? opposite fellow Starstruck winner Kris Bernal. The show, now on it's 4th week, is becoming more and more exciting according to Aljur.
"May mga scenes na dapat abangan. May ginagawa ako na napakahirap na scene dun. Kailangan nyo mapanood.
"Isa yun sa pinaka-highlight nung storya. Ito yung... Kung napanood nyo yung movie ni Sharon [Cuneta] and Gabby [Concepcion]. Dito yung galing yung sikat na linya na, 'Aalis ka ba dyan? O ihahampas ko sa 'yo 'tong gamit mo palabas?'" tells Aljur.
The actor admits he has no more time for things he usually does before--playing basketball and playing DOTA (an online game), because of his very busy schedule doing SOP and Dapat Ka Bang Mahalin?.
LOVE LIFE. Speaking of his busy schedule, how about his love life? Does he still have time for that?
"Sa love life.. Hmmm... Wala naman ako problema kasi lagi ko kasama si Kris, e," admits the young star.
Are they officially dating?
"Sa taping [laughs]. Oo, totoo."
According to the young actor, he even spends some of his free time at Kris's house.
"Hindi niya alam na pupunta 'ko. Kaya minsan, dinadatnan ko siya dun na wala. Kasi ano.. Lagi na lang kami magkasama sa tapings, sa work. Ayun, gusto ko naman minsan sinu-surprise ko siya na unexpected talaga. Kaya minsan, yung chocolates, kinakain ko na lang pag wala siya [laughs]."
PLANS FOR THE HOLY WEEK. When PEP asked Aljur if he and Kris are going to spend time together this coming Holy Week, he told us that they both have different plans with their family.
"Nag-plan ako na sana... Gusto ko lang dalhin yung mga kapatid ko sa Disney Land, e. Sa bagay, hindi pa din naman ako nakakarating dun. Pero baka magba-Batangas City na lang kami."
Aljur is the eldest of four siblings, three boys and a girl.
Is he close to all three?
"Oo. Weakness ko 'yan, e. Mga kapatid ko. Weakness ko 'yan. Kuripot kasi ako. Hindi ako bumibilli ng para sa 'kin. Pero pagdating ng para sa kanila, ginagastusan ko talaga. Pag may gusto sila, hindi ko kinakain, binibili ko agad."