Thursday, 30 April 2009

Erik Santos with non-showbiz girl in Boracay

After his breakup with Rufa Mae Quinto, wala nang nabalitang sumunod na naging girlfriend ang singer na si Erik Santos.

But last Holy Week, nakita diumano ang Pop Prince na may kasamang non-showbiz girl sa Boracay. "Sweet" at kasa-kasama raw palagi ni Erik sa mga lakaran at gimik sa Boracay ang non-showbiz girl. Marami tuloy ang nagtatanong kung ito na kaya ang bagong inspirasyon ng singer matapos ng matagal-tagal ding wala siyang karelasyon.

"Kasama ko sa Boracay ang ate ko, saka with some friends, sila Tito Boy [Abunda, Erik's manager]. Yung sinasabi nilang girl na kasama ko, she's a family friend. She's a doctor, 28 years old. She's not my girlfriend, hindi ko siya nililigawan. Kaibigan ko yun," paglilinaw ni Erik sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ayon kay Erik, wala siyang panahon to enter into a relationship right now.

"Sa dami ng ginagawa ko, parang wala na akong time sa ganyan. Nag-aaral ako, two sems na lang, graduate na ako. Nagtatrabaho ako. Most of the time na free ang sked ko naman, I go out with my friends," sabi ni Erik, na kumukuha ng kursong Psychology sa Centro Escolar University (CEU).

RUFA MAE QUINTO. Palagi namang sinasabi ni Erik na minahal at tumatak talaga sa kanya ang naging relasyon nila ni Rufa Mae. Since pareho namang single at wala silang karelasyon ngayon, open kaya si Erik na makipagbalikan kay Rufa Mae?

"Malay natin, di ba?" sagot ni Erik. "I'm not closing any doors. Sabihin na nating minahal ko siya nang mahal na mahal. Pero ngayon, friends na lang talaga kami. Si P-chi, BFF ko na 'yan, best friends forever. Maganda ang relasyon namin ni P-Chi as friends, open ang communication line namin lagi. Hindi na kami, pero nandun lagi yung respeto at tiwala namin sa isa't isa."

FROM BELO TO CALAYAN. Naging malaking issue ang paglipat noon ni Boy Abunda from Belo Medical Group to Calayan Surgicentre na naging dahilan pa ng pagbibiro noon ni Dra. Vicki Belo na nakasakit nang husto sa loob ng manager ni Erik. As one of the talents of Boy, lumipat na rin pala si Erik sa Calayan mula sa Belo.

"This year lang," banggit ni Erik. "January lumipat si Tito Boy, ako, kasabay ko si Ms. Ai [Ai-Ai delas Alas]. Interested sila to get me as their endorser. And si Dr. Calayan, mabait siya, talagang in touch siya sa mga clients niya, sa mga endorsers niya. Before, I used to go to Belo. Pero since kinuha na ako ni Dr. Calayan, dun na ako."

Wednesday, 29 April 2009

Dingdong Dantes on "Stairway To Heaven" Remake

May nakuhang impormasyon ang PEP (Phillipine Entertainment Portal) na may nakahanda na palang next project para sa isa sa top leading man ng Kapuso network na si Dingdong Dantes pagkatapos ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang—na magwawakas na bukas (May 1)—nila ni Marian Rivera.

Kung si Marian ay sigurado na ang pagganap bilang Darna sa pagbabalik sa telebisyon ng Pinay superhero, si Dingdong naman ay lalabas naman daw sa isang Pinoy adaptation ng isang sikat na Koreanovela.

Ayon sa isang source mula sa GMA-7 mismo, ang next TV project ni Dingdong ay ang Stairway To Heaven, na unang ipinalabas sa Korea noong 2003 to 2004 at napanood naman sa Pilipinas, dubbed in Filipino, noong 2005 sa Kapuso network din.

Si Dingdong diumano ang gaganap bilang Cholo, na unang ginampanan ng Korean superstar na si Kwon Sang Woo sa original version.

Kung totoo ngang si Dingdong ang gaganap sa naturang role, ito ang ikalawang pagkakataon na gaganap siya ng isang character mula sa sikat na international TV series. Nauna na rito ang pagganap niya bilang Sergio SantibaƱez sa phenomenal hit na Marimar, na unang ginampanan ni Eduardo Capetillo sa original Mexican version nito.

Ayon pa sa aming source, wala pang napipili ang Kapuso network kung sino naman ang gaganap sa female lead character na si Jodi, na unang ginampanan ng sikat ding Korean actress na si Choi Ji Woo. Pero may mga pangalan na raw na pinagpipilian, although hindi na kasama si Marian dahil gagawin na nga nito ang Darna.

Upang kumpirmahin ang balitang si Dingdong ang gaganap na Cholo sa Pinoy version ng Stairway To Heaven, kinuhanan namin ng pahayag ang manager ng actor na si Perry Lansigan. Pero wala itong kumpirmasyon na naibigay.

Aniya, "Wala akong alam. Hindi ko alam kung siya nga ang gagawa ng Stairway to Heaven. Naririnig ko na 'yan noon pa, pero, usually, sabi-sabi. Pero so far, wala pa namang formal offer kaming natatanggap."

Sam Milby admits being "awkward" while shooting kissing and love scenes with Angel Locsin

Nasa South Korea noon ang buong cast ng bagong primetime series ng Only You nang lumabas ang balita na na-offend daw si Sam Milby nang tawagin siyang "little boy" ng kaparehang si Angel Locsin. Agad ding lumabas ang paliwanag ng aktres na wala siyang masamang ibig sabihin nang tawagin niyang "little boy" ang leading man dahil ang pinatutungkulan niya raw rito ay ang pagiging "inosente" at pagiging "childlike" ni Sam.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Sam last Sunday, April 26, sa dressing room ng ASAP '09, ay hiningan namin siya ng reaksiyon tungkol sa lumabas na balita.

"Everyone calls me 'little boy.' Si Ate Rica [Peralejo] was the one who called me 'little boy' paglabas ko pa lang in PBB [Pinoy Big Brother] house. Nagtu-tour kami before sa Heartthrobs, she called me 'little boy.' It's not naman I'm offended, but it's something I want to grow out off, magtu-twenty five na ako, 'Little boy si Sam o!' I think I'm maturing a lot the last years, I gained a lot of seriousness. It's just I want to have fun, it's not always so serious, I just want to be positive.

"If being innocent and childlike is part of being little boy, of course, it's very flattering. I hope people will look at me as a humble person, hindi suplado. Pero ayoko na when you say 'little boy,' people will look at you as childish, pasaway, or batang-isip. E, hindi naman ako batang-isip."

AWKWARD MOMENT. Sa interview ni Direk Rory Quintos sa presscon ng Only You, nabanggit niya na mas "awkward" pa si Sam kesa kay Angel nang kunan ang kissing scene at love scene nila sa Korea. Totoo ba ito?

"Yung first scene na shinoot ko was kissing scene agad, though yung kissing scene, smack lang. Itong love scene naman, first week of the soap yata mapapanood. I know Angel naman very well, but not to the level na sobrang close. It was different that we haven't been working that long, tapos the first scene pa is kissing scene, and then love scene. I feel awkward, but okay naman," paliwanag ni Sam, na unang nakatrabaho si Angel sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

SUCCESSFUL CONCERT. Masayang ibinalita ni Sam na sa kabila ng global crisis ay naging very successful pa rin ang series of shows ng Heartthrobs—with Piolo Pascual, Bea Alonzo, Pokwang, and John Lloyd Cruz—in Canada at ibang bahagi ng U.S.

"Very successful lahat ng shows. I can say na hindi affected yung concerts namin ng global crisis. Nagulat nga ako sa dami ng tao, especially in Reno [Nevada], completely soldout, dinagdagan pa nila ng extra seats kasi super soldout. Ang daming tao, like sa Edmonton, Toronto, New Jersey, Vancouver, Texas..."

Kung may ilang artista ang inirereklamo dahil sa pagiging suplado o suplada at hindi man lang daw nagpapa-picture, isa si Sam sa pinupuri at paborito ng mga kababayan natin sa ibang bansa dahil napaka-accommodating at approachable daw nito.

"Bumaba ako ng stage to be with people, especially dun sa mga gustong magpa-picture. Siyempre, if people say something good about me, it makes me feel good. I don't want them to think na suplado o mayabang ako. Sana walang ganung stuff or anything," sabi ni Sam.

ANNE CURTIS. Bagamat matagal-tagal na rin mula nang mag-break sila ni Anne Curtis ay hindi pa rin maiwasang kumustahin kay Sam ang dating girlfriend. Sam naman is honest to admit na wala na talaga silang gaanong communication ngayon ni Anne.

"For a long, long time, hindi kami nakapag-usap. We just got busy with our own lives. We don't have taping anymore, we're not together anymore. We have a little communication, we say hi and hello every time we see each other in ASAP," sabi ni Sam.

Sa ngayon, ayaw raw muna niyang pumasok sa panibagong pakikipagrelasyon.

"'Yan ang plano ko, ayokong mag-date, ayokong manligaw. Busy din ako, super busy. Basta ako, I'm just waiting for the right person."


Enchong Dee says no sibling rivalry between him and brother AJ

Mas may nangyayari pa sa career ni Enchong Dee kaysa sa kapatid niyang si AJ Dee na nauna sa kanya. May malalaking endorsements si Enchong gaya ng Coke at Bench na hindi raw naranasan ni AJ.

Naikuwento ni Enchong na kahit daw nagkakasama silang magkapatid, hindi raw nila napapagkuwentuhan ang tungkol sa kanya-kanyang career.

"Alam kong masaya si Kuya sa nangyayari sa career ko, at kahit lumipat na siya sa GMA-7, I am also hoping na may mangyari ring maganda sa kanya sa kabilang station," sabi ng Star Magic talent na si Enchong sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Naniniwala si Enchong na magkaiba rin sila ng kapalaran ng kanyang kapatid.

"Supportive kami sa isa't isa. Kung ano ang mayroon ang isa, never naming kinainggitan. Noong Holy Week, we spent time sa Naga. Naglaro kami ng charades ni Kuya.

"Yung paglipat niya [sa GMA-7]," patuloy niya, "kahit hindi namin pinag-uusapan, alam kong may rason para doon. Baka nga ito yung panahon na may mas maganda ngang mangyari sa career niya. Let's just hope for the best.

"Naniniwala rin akong walang ginawang kasalanan ang kapatid ko kaya hindi siya nabigyan ng trabaho or break. Talagang hindi lang siguro niya panahon."

Naipagtapat ni Enchong sa PEP na may mga lumalapit din sa kanya noon para lumipat sa GMA-7, pero hindi niya raw ginawa.

"Maski noong wala pang magagandang breaks," aniya. "Kailangan lang maghintay ako, at naniniwala kasi akong hindi pa ako handa sa mga pagsubok. Dapat na mahinog pa ako. Nagpapasalamat ako sa ABS-CBN dahil binibigyan nila ako ng opportunities ngayon na nagmamarka sa mga tao. Masaya na ako dito."

BALANCING ACT. Kasama si Enchong sa powerhouse cast ng Nasaan Ka, Maruja, na pinangungunahan nina Kristine Hermosa, Derek Ramsay, Karylle, John Estrada, at marami pang iba. Nag-taping na rin siya para sa bagong youth-oriented teleserye na Boys Town.

Bukod sa considered graduate na sa kolehiyo from La Salle si Enchong, who took up a Developmental Studies course, athlete din siyang maituturing. He's into swimming.

"Naibalanse ko rin ang buhay ko kahit naging busy ako sa pag-aaral at showbiz. In between, may leisure activities ako. Aside from swimming na hindi yata ako mabubuhay kung hindi ko magagawa, I watch movies. I read books," sabi niya.

May mga intriga sa kawalan ng lovelife ni Enchong. Katuwiran niya, "Magpapayaman na muna ako. May time para riyan, at ang gusto ko sana, hindi taga-showbiz kung magkaka-girlfriend ako."

Ayaw ni Enchong ng magulong private life. Inuna niya ang mas mahahalagang bagay, gaya ng edukasyon. Sa June 20, magmamartsa siya kasama ng iba pang graduating students ng La Salle sa PICC.

"Yehey!" bulalas ni Enchong. "May special award pa ako, Athlete of the Year. May recognition awards pa at sayang na lang, hindi ako umabot sa cum laude."

As we write this, hinihintay ni Enchong ang resulta ng exams na magsasabi kung pupuwede na siyang magpatuloy ng kanyang masteral degree.

"As of now, focus na muna ako sa showbiz career. I must admit, hindi ako makapagbigay ng mas matinding panahon dito noon dahil nag-aaral ako. Siguro naman, may time na talaga ako, at napagbigyan ko na rin ang parents ko. Natapos ko na ang studies ko," 'ika ng proud graduate.

Saturday, 25 April 2009

A Dozen of Young Shirtless Hunks


Matt Evans


Jason Abalos


Rayver Cruz


Marvin


Joem Bascon


Carlo Guevarra


Aljur Abrenica


Jake Cuenca


Robi Domingo


Enchong Dee


JC De Vera


Gerald Anderson

Wednesday, 22 April 2009

Phil Younghusband in Fit 'N Right Commercial




Watch Video Here:





Hot indeed! Pheew! :)

Enchong Dee will start focusing on his career now that he is about to graduate

Si Enchong Dee ang isa sa magandang halimbawa sa showbiz na sa kabila ng pag-aartista ay hindi pa rin isinantabi ang pag-aaral. Sa katunayan ay malapit na siyang mag-graduate sa kursong Political Sciene major in Developmental Science sa Dela Salle University.

"Ga-graduate na ako sa June 20 sa PICC, yehey!" masayang bungad ni Enchong sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the presscon of Komiks Presents Nasaan Ka Maruja, na ginanap kaninang tanghali, April 21, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Bakit importante sa kanya ang education?

"Very important kasi hindi ako natatakot na pag wala na akong career sa showbiz, may babagsakan akong iba kasi naka-graduate naman ako," sagot niya.

CHAMPION SWIMMER. Hindi man siya ga-graduate with honors, bibigyan pa rin daw siya ng parangal ng school niya bilang Athlete of the Year dahil na rin sa pagiging champion niya sa swimming competitions.

Very active nga si Enchong sa swimming kahit na nag-aaral siya at may showbiz career pa. Patunay nga nito ang maraming medals at awards na nakuha niya mula sa iba't ibang kumpetisyon.

"May humihingi na nga ng medals ko, e. Sabi ko, hindi ko ipinamimigay yun kasi remembrance ko yun. Pinaghirapan ko yun."

Ano yung pinaka-important na award na nakuha niya sa swimming?

"Siguro yung binigyan ako ng award as MVP sa UAAP [University Athletic Association of the Philippines]. Binigyan nila ako ng student athlete award. Kahit konti lang yung taong nakakaalam, I'm so happy kasi yun ang reward ko sa sarili ko, e."

Sa dami ng commitments niya, paano pa siya nakakapag-practice ng swimming?

"Well, every morning, I still go to school to practice. Pag may time, isinisingit ko pa rin."

Ano ang mas priority niya ngayon, ang swimming o ang pagso-showbiz?

"Dahil ga-graduate na ako, sabi ko, promise ko, since ibinigay nila [ABS-CBN at Star Magic] sa akin yung time ko sa school na hiningi ko, I'm gonna give my time to my work now. So, number one priority ko now is yung career ko. Siguro after two years, I'm gonna go back to my course, yung pinag-aralan ko."

HORROR EXPERIENCE. Happy si Enchong sa pagkakasama niya sa cast ng Komiks Presents Nasaan Ka Maruja, kung saan ginagampanan niya ang role ni Brian, ang kapatid ni Ross, played by Derek Ramsay. Siya ang tanging nakakaalam sa lihim ng kanyang kapatid.

"Very happy kasi kahit hindi ako laging napapanood every scene, pero yung bawat paglabas ko naman is very remarkable naman," sabi niya.

May pagka-horror ang Nasaan Ka Maruja, kaya naitanong tuloy ng PEP kay Enchong kung may horror experience na ba siya in real life.

"Honestly, minsan parang nararamdaman ko na may mamamatay. Pero hindi ko masyado yun iniintindi. Skeptic din ako kasi minsan baka pagod lang ako, e. Pero minsan, bigla na lang kakabog yung dibdib ko, tapos after a week, may mababalitaan na lang ako na namatay," lahad niya.

Ayaw niya bang i-enhance kung anumang meron siyang special ability?

"Noong Holy Week, ipinagdasal ko na sana mag-one step higher. Kaso minsan, parang nakakatakot din, di ba? Parang kay Maruja, kung anu-ano yung nakikita niya. Nakakatakot din kung ie-enhance ko yung ability ko. Ayoko ring buksan yung third eye ko."

Ano yung pinaka-recent na experience niya kung saan naramdaman niya na may mamamatay?

"Nung mamatay yung great grandma ko. Naramdaman ko lang. At saka nanaginip ako na may lumulutang na kabaong. Nakakatakot din."

May experience din daw si Enchong kasama ang kanyang mga kaibigan tungkol sa lalaking nakita nila sa UP na bigla na lang nawala.

"Hindi ko maipaliwanag 'yon, e. Basta medyo nakakatakot," sabi niya.

HANDLING SUCCESS. Sa hanay ng mga kabataang celebrities ngayon, isa si Enchong sa naka-survive sa showbiz kahit na walang ka-loveteam. Ano ang feeling?

"Siyempre, honored and overwhelmed. Kasi nga, lagi nilang sinasabi, paano ako makaka-survive kahit wala akong ka-partner? Pero siguro yun lang ang advantage ko. I can keep growing with the people I'm paired with.

"Like dito sa Maruja, wala man akong partner, pero the people around me are so talented and so good, di ba, like Gloria Romero. Yes, thank you Lord, nakasama ko siya. Ako kasi, hindi ako namimili ng ibibigay sa akin. Basta gagalingan ko na lang sa trabaho," saad niya.

Sa mga naka-loveteam niya, sino yung nami-miss niya?

"Si Empress [Schuck], kasi pareho kaming malakas kumain!" tawa niya.

Nalungkot ba siya na hindi nagtuluy-tuloy ang loveteam nila?

"Well, nung nag-stop naman yung loveteam, may ginawa siyang iba; ako rin may bagong ginawa. Pero meron naman kaming gagawin ulit. I'm excited. Huli kasi kaming nagka-loveteam sa Lastikman. Before that, sa Abt Ur Luv."

How does he handle yung kasikatan niya na ang dami niyang commercials at TV projects?

"Kasi minsan, hindi ko na rin naiisip na...hindi rin ako makapaniwala. Minsan may darating na lang na sinasabi kukunin daw ako for commercial. Yes, I'll go for it. Minsan nga tinatanong ko, ano kaya ang nagawa ko sa isang part ng buhay ko kung bakit nila ako kinukuha. Siguro nga, because of the education, because of the sports, my dedication to my work. Siguro yun."

Bukod sa Nasaan Ka Maruja, malapit na rin mapanood si Enchong sa bagong handog ng Your Song Presents, ang "Boystown" kung saan kasama niya ang mga kagrupo niya sa ASAP Gigger Boys na sina Dino Imperial, AJ Perez, Sam Concepcion, Chris Gutierrez, Robi Domingo, at Arron Villaflor.

Derek Ramsay says he's literally sleepless due to work

Kung last year ay wala halos masyadong TV series na naipalabas kasama si Derek Ramsay, this year ay halos sunud-sunod o magkakasabay ang mga show na kinabibilangan niya. Si Derek din kasi ang bidang lalaki sa Precious Hearts Romances (PHR) Presents

"Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin" opposite Toni Gonzaga.

"Sobra! Sobrang thankful talaga ako! Siyempre sa ABS-CBN, inaalagaan talaga nila ako. Yung 2008, medyo hindi ako nakita sa TV, ngayon naman, nagsasabay-sabay na. It's all worth it," nakangiting pahayag ni Derek sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ang Habang May Buhay kasi nila ni Judy Ann Santos ay hindi pa rin naipapalabas hanggang ngayon.

Sabi pa ni Derek, "Excited ako rito sa PHR, kasi it's a light drama, light comedy kasi. Hindi pa ako masyadong nakakapag-comedy."

Paano ang schedule niya dahil literal na sabay-sabay halos ang mga seryeng ginagawa niya?

"It's hard...it's hard," pag-amin niya. "Literal na hindi na ako natutulog. I tried to catch sleep sa auto, sa car. Sacrifice. Hindi ko na nakikita pamilya ko, hindi na ako nakakalaro ng sports. Pero, kinakaya naman."

WORKING WITH TONI. First time daw nila ni Toni na magkatrabaho kaya tinanong namin si Derek kung kumusta naman ang kanilang pagtatrabaho.

"I've worked with Toni in ETK [a defunct showbiz talk show], a long time ago. Hosting nga lang. Tapos sa Maging Sino Ka Man, nandoon kami pareho, pero hindi kami nagkatrabaho. So, first time talaga namin ngayon to work with each other," saad ni Derek.

Anong ine-expect niya sa pagsasama nilang ito ni Toni?

"Spontaneous si Toni and I'm a spontaneous guy also. I'm looking forward on acting with her on the set, kasi marami siyang adlib. Marami siyang...she's very articulate. She has a lot to say, so excited ako na sabayan yun."

Isa ba si Toni sa mga gusto niyang makapareha even before?

"I'm always open to be partner with anyone. I believe that I can learn things from anybody. I want to work and meeting people to develop my career, so I'm really excited."

TIME FOR ANGELICA. Aminado nga si Derek na ultimo pamilya niya, halos hindi na niya nakikita dahil sa hectic ng schedule niya ngayon. What about his girlfriend Angelica Panganiban, may time pa ba sila sa isa't isa?

"Yung relationship namin ni Angel, everything is going perfect," sabi ni Derek. "Yun nga lang, yung oras sa isa't isa. But if you think about it, you get it out of the way, may babalik din na oras na you'll spend with each other."

Hindi ba nagiging isyu sa relasyon nila ang kakulangan ng oras?

"No, we support each other. She's happy that I have this work.... Career wise, we're both happy. But, of course, we want to have more time sa isa't isa."

Sabi ni Angelica, hindi raw siya selosa. What about Derek?

"No," sagot niya. "Actually, si Angel, noong umpisa, siya ang selosa. Pero sa relationship kasi, we trust each other. Yung pagseselos, masama 'yan, e. It shows that you don't trust one another."

Sa ngayon, masasabi ni Derek na masaya pareho ang kanyang career at lovelife. Kung kaya't puwede niyang pasinungalingan ang kasabihang "happy sa career, malas sa lovelife."

"I'm happy. The relationship is happy. Yun nga, e. We know each other so well na kapag nagtatrabaho pa kami, mas mahirap. Gumagawa kasi kami ng movie. Kilala ko siya. So kapag umaarte kami ng iba, parang nawi-weirduhan ako.

"So, si Angel, minsan magtatanong pa sa akin 'yan bago kung ano ang gagawin niya. Pero ngayon, alam na niya kung ano ang sasagutin ko, kung ano ang gagawin ko. Ganoon na ang level namin ngayon.

"It's good din that we don't have time for each other because we miss each other. So there's still some sort of mystery between the two of us. Right now, I can say that I am really happy with the way things are going."

Hindi pa ba nila napag-uusapan ang kasal?

"We mention it once in a while," pag-amin niya. "Pero wala pa rin naman kaming pinaplano or let's say 100 percent serious about. Sometimes, masarap pag-usapan lang din, di ba? We'll see...marami pa kaming planong gawin."

THE BIG TRIP. Kinumpirma rin ni Derek ang plano nila ni Angelica na pagpunta ng South Africa next year.

"Yes, 2010, yun ang big trip namin. She's excited to go. We're going to watch World Cup. I'm half-English, so we're gonna support England. Wala kasi ang Pilipinas sa World Cup, pero kung nandoon yun, susuportahan din namin yun. England's there, so we're gonna go there. Then, travel around South Africa. Magsu-swimming kami with the great white shark, sky dive... Ipapakita ko sa kanya yun at game naman siya."

Para kay Derek, malaking tulong daw sa relasyon nila ni Angelica ang paglalakbay nila.

"Sobra! Kasi, we can just let go of what we do and spend time with each other. Kapag nandoon kami, we're just normal people. Enjoy each other's company. At saka malaki, mga fifteen kami dun.

"Maghahanap nga kami ng trabaho dun. Maybe we'll work in a farm or something. Plano namin mga two to three weeks and work in a farm. Habang ine-enjoy namin ang games, may ginagawa kami," lahad ng model turned actor.

LEADING MAN. Parang nailang naman si Derek nang may manghingi ng reaction niya kung ano raw ang masasabi niya na isa siya sa maituturing na top leading men ng Kapamilya network.

"Wow! It's humbling, but I don't feel that I'm there. Marami pa akong kakainin. And, of course, when people say that to me, it puts a big smile on my face. Sometimes my head expands, pero like I said, ang dami ko pang kailangang gawin at i-prove to be tagged as that. Right now, I'm learning from my directors and my co-actors. Sana one day, I'd love to be called like that," pagtatapos ni Derek.

Thursday, 16 April 2009

Capuccinos's New Members



MEMBERS



Adrian Patry a.k.a Adrian Campos he is 18 years old, 5'10 tall and he has German blood the new set of Cappucino's member was presented to the press previous week, press stunner was the former PBB member Jolas Paguia.



Brendan Lewis is 20 years old, 5'10 tall and a pure Canadian, and has full back tattoed body.



Rod Ortiz is a 21 year old student of the Southeast Asian College, Inc. He is a native of Bataan Province.



Dennis Torres also leads the controversial indie film "Sagwan" that was produced by Rocca Productions and was directed by Monti Parungao, he is a former contestant of Mister Philippines-International pageant.



Jolas Paguia was a former border of BigBrother house, now joins the showbiz via sexy route. He was dubbed as the Gentle Giant of Bulacan during his stint on ABS-CBN reality show, he is a college basketball player.



Christian Cayabyab is 23 years old 6'2 tall, a Panganinse and a graduate of BS Marketing at the Adamson University, and was a finalist in the Mister Philippines International last year.



Ryan Dungo
previously and one of the original member of Cappucinno's, he also a Bikini Pageant winner and he lead the controversial film "Sagwan.