Wednesday, 30 September 2009
Tuesday, 29 September 2009
Monday, 28 September 2009
Tuesday, 22 September 2009
"Ang Laro ng Buhay ni Juan" Movie
The film explores two hours in the life of Juan Reyes, known to others as Erwin. Juan is a 25 year old Masbate native who just found his way to Manila three years ago. Erwin has tried his hand at many odd jobs and now works as a live-sex performer at an underground gay bar but has decided to leave Manila for good.
On the day of his departure, he will take us with him as he makes life decisions—big and small. The most important one of all is leaving the impoverished place which he called home for a year, capping it with his emotional goodbyes with his lover, Noel. And, how a raid by the authorities marred his last performance in an underground bar called Inner Sanctum which changed his resolve.
The film shows how “ordinary Juan” distracts himself from the nagging problems of survival in order to continue playing the game called life.
ANG LARO NG BUHAY NI JUAN is the first film produced by BEYONDtheBOX.
Saturday, 19 September 2009
Friday, 18 September 2009
Janvier Daily's second movie role in "Bayaw"
Kasama ni Janvier sa Bayaw ang beterano na rin sa indie films na si Paolo Rivero, kung saan gumaganap sila bilang mag-bayaw na nagkaroon ng sexual relationship sa isa't isa pagkatapos ng isang krimen.
"Minsan na lang ako kung gumawa [ng pelikula]," banggit ni Janvier sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Mas naglalagi ako sa hometown namin sa Baguio. Ang inasikaso ko, yung modelling. More on fashion shows ako.
'Two years bago nasundan yung Roxxxanne [his indie movie with Sheree and Jay Aquitania]. Pangalawa ito na malaki ang role ko. Sobrang challenging naman kasi ng role kaya tinanggap ko. Yung gaganap sa role ni Renan sa istorya ng Bayaw, kailangang matapang ang loob. Ginawa ko lang ang trabaho ko.
"Nag-usap kami nang masinsinan ni Paolo doon sa mga delikadong eksena, like love scenes. 'Pag nasa set kami, nakatuon ang pansin namin ni Paolo doon sa characters namin. Ginagawa lang namin ni Paolo kung ano ang sabihin ng direktor namin. 'Pag nag-cut na, balik na agad sa reyalidad. Masarap katrabaho ang direktor namin, magaan. First time ko sa kanya. Makulit siya na mahilig magbiro kaya okey lang. Parang naglalaro lang kami sa set."
Anu-ano pa ang dapat asahan ng marami kay Janvier pagkatapos ng Bayaw?
"Hindi ko alam kung may susunod pa akong movie," sagot niya. "Kung mayroon man, ibibigay ko Yung 100 percent na kailangang ibigay ko."
ETHEL BOOBA. Sa totoong buhay, malabo naman yatang mangyari kay Janvier ang nangyari sa kanya sa pelikula na nagkaroon siya ng sexual involvement sa kanyang bayaw.
Pero sa mga kaganapan sa showbiz noong pumasok si Janvier sa eksena, na-involve siya sa comedienne na si Ethel Booba. Ano na ang nangyari sa kanila?
"Matagal na yun, closed book na sa nakaraan ng buhay ko," sabi niya. "Marami akong natutunan sa mga nakaraang intriga sa buhay ko. Walang permanente sa mundo. Masasabi ko lang, nangyari lang ang dapat mangyari. Ganoon lang talaga ang buhay. Kailangang tanggapin ang reyalidad."
NOT AN EXHIBITIONIST. Kahit daw nakunan siya ng nude photo na lumaganap noon, sinabi pa rin ni Janvier na hindi siya exhibitionist na nag-e-enjoy nang pinaghuhubad sa harap ng kamera.
"Hindi naman kaswal na ginagawa ko ito. Kinakailangan sa pelikula, kaya nagawa ko ngang maghubad. As an artist, may challenges na dumarating na gaya niyan. Ito ang trabaho ko, e. Kailangan lang ng lakas ng loob," saad niya.
Ang Bayaw, na naging topgrossing film sa NETPAC World Competition ng Cinemalaya, ay binigyan ng R-18 rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Pagkatapos ng ilang linggong pakikipag-meeting sa MTRCB panelists, ang controversial film ay ni-reedit ni Monti kaya ang mga mahahalagang eksena na gustong mapanood ng mga tao ay nandun pa rin. Kailangang huwag silang kumurap para hindi nila ito ma-miss.
Magbubukas ang Bayaw sa mga sumusunod na sinehan: Robinsons Galleria, Ruben, Remar, Gotesco Grand, Gotesco Ortigas, Isetann, at New Cinema Cebu. Mapapnood din ito sa Robinsons Ermita, Robinsons Bacolod, Robinsons Iloilo, Robinsons Novaliches, at Robinsons Metro East sa mga susunod na linggo.
Wednesday, 16 September 2009
Saturday, 12 September 2009
JC Tiuseco says topless is the most daring he'll go
Pero noong rumarampa na raw siya ay nawala na ang kaba niya.
"Sobrang saya at saka, hayun nga, flattered ako at saka honored. Ikaw ba naman, tilian ka ng mga babae, parang nakaka... parang sobrang saya, di ba?"
Dugtong din niya, "Pero noong nasa backstage ako, sobrang kaba talaga. Medyo nanginginig-nginig pa, kasi nga naka-diet pa ako. Medyo nag-crash diet ako dahil hindi ako nakapag-gym. Hindi ako nakapag-diet.
"Pero noong rumarampa na ako, sobrang saya na talaga at pini-feel ko lang yung music."
Habang rumarampa raw siya, nakita niya ang grupo nina Maxene Magalona who went to Cosmo Bash para magbigay ng support sa kanya bilang kasamahan nila sa afternoon series na Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin.
"Masaya naman ako dahil sinusuportahan nila ko at siyempre, pati na rin yung ibang mga Kapuso stars."
KAPUSO AND KAPAMILYA TOGETHER. Hindi raw kumpetisyon among the Centerfolds ang naramdaman niya habang rumarampa kundi pare-pareho lang sila.
Aniya, "Sa akin wala, e. For me, walang kumpetisyon. Kasi, once part kayo ng Centerfolds, kung sino-sino man kayo, happy na ako na nakasama ako sa top 10."
Maganda ang ginawa ng Cosmopolitan magazine na napagsama-sama sa isang event ang mga Kapuso at Kapamilya stars.
Kaya tanong namin kay JC, since magkakasama sila backstage ng mga Kapamilya stars, how was it naman?
"Okey!" nakangiti niyang sabi. "Actually yung iba, first time kong na-meet like sina Ejay [Falcon], sila Xian [Lim], first time ko silang na-meet pero okey naman, mababait naman sila. Si Gerald Anderson naman, nakaka-basketball ko na before. Okey naman kami. Batian agad."
Ramdam naman daw niya ang suportahan nilang mga Kapuso stars sa isa't isa especially since halos lahat sila naging kabado sa ginawang pagrampa.
"Lalo na kami ni Aljur Abrenica. Alam niya kasi na naka-crash diet ako kaya sabi niya, bro, 'eto, puwede mong kainin 'to. Hindi ko alam kung anong klaseng fish yun pero sabi niya, okey raw, puwede ko raw kainin yun."
TOPLESS. Ano ang nakapagpa-inspire sa kanya sa ginawa niyang pagrampang yun?
"Siyempre, na-inspired ako, nakita ko yung mga tao. Nakita ko kung gaano karami ang mga taong nanonood kaya dun pa lang, na-inspired na 'ko."
Naka-topless lamang siya sa pag-ramp. Sa palagay niya ba, yun na ang pinaka-daring na magagawa niya?
"Oo, e... feeling ko, yun na siguro ang pinaka-daring ko," nakangiti niyang sabi.
Click HERE to watch the video of the Celebrity Centerfolds walking the ramp at the Cosmo Bachelor Bash.
Friday, 11 September 2009
Model Vlad Nesas voted off in Survivor
Ang napagkaisahan nilang patalsikin ay ang professional model na si Vlad Nesas dahil sa pagiging tuso nito sa kanyang mga kasamahan. Nakakuha si Vlad ng kabuuang limang boto, samantalang si Louie Ang naman ay nakakuha ng dalawang boto.
Sa kanyang exit interview, sinabi ni Vlad na inaalala raw niya ang "best interest" ng kanilang trino, pero hindi raw iyon nakita ng kanyang mga kasamahan. "Pinuri" rin niya si Louie dahil sa husay raw nitong "manloko at magpaikot."
SWITCHING TRIBES. Bago ang Reward Challenge sa pagitan ng Airai at Koror ay nagulat ang mga nalalabing castaways nang i-announce ng host na si Paolo Bediones na magkakaroon ng pagbabago sa kani-kanilang tribo.
Inutusan ni Paolo ang castaways na tanggalin ang kanilang buffs—na sumisimbolo sa kinaaaniban nilang tribo—at pumili ng blindfolds na gagamitin nila sa pagpili ng kanilang bagong tribo mula sa green at orange parchments. Ang green ay para sa Koror at ang orange ay para sa Airai.
Nanatili sa Koror sina Marvin, Suzuki, at Echo, samantalang nadagdag naman sa kanila ang mga dating taga-Airai na sina Shaun, Amanda, at Jef.
Nanatili naman sa Airai sina Cris, Troy, Vlad, at Mika, samantalang nalipat sa kanila ang mga dating taga-Koror na sina Louie, Charles, at Tara.
May naging masaya sa naging pagpapalit ng tribo at meron namang hindi.
Dahil sa pagbabago ng bawat tribo, naapektuhan bigla ang diskarte at alyansa ng mga castaways. At dito na nga nagsimula ang "gapangan" upang makapagsimula sila ng panibagong alliance at iligtas ang kanilang sarili pagdating ng Tribal Council.
REWARD CHALLENGE. Pagkatapos magpapalit-palit ng mga miyembro ang Koror at Airai, sinimulan na rin agad ang Reward Challenge.
Sa challenge na ito, binigyan ang bawat tribo ng kani-kanilang giant map ng Palau, kasama na ang 16 states nito at slots para sa kani-kanilang flags. Kailangang lumangoy ng castaways papunta sa kanilang cheat board para malaman nila kung saan dapat ilagay ang bandila ng partikular na state. Mula sa cheat board, kailangang kunin ng castaways ang isang flag at lumangoy pabalik sa giant map, kung saan nila kailangang ilagay ang bandila sa slot nito. Ang unang team na makakumpleto ng paglalagay ng 16 flags sa tamang puwesto nito ang siyang mananalo.
Ang reward: isang kariton ng ilan sa pinakapaboritong streat foods ng mga Pinoy—gaya ng fishballs, kikiam, tukneneng—at isang cart ng samalamig.
Ang bagong Airai ang nanalo sa challenge.
Pagkatapos ng Reward Challenge ay bumalik na sa kani-kanilang kampo ang Airai at Koror, kung saan ipinakita ng mga natirang miyembro ang kanilang kampo sa mga bago nilang kakampi.
Pero hindi pa man sila nagtatagal ay may ilan na sa kanila ang nagplano ng kanilang susunod na hakbang, partikular na sa Airai kung saan sinabihan ni Vlad sina Charles at Louie na kalimutan na nila ang samahan nila sa dati nilang tribo at umanib sa alyansa nila.
THE IMMUNITY CHALLENGE. Muling nagharap ang bagong Airai at bagong Koror sa Immunity Challenge, kung saan sinabi ni Paolo na may kasamang reward para sa tribe na mananalo sa challenge.
Inabot ni Paolo sa castaways ang mga litrato ng kanilang mga mahal sa buhay, na nagpaluha at nagpalambot ng puso ng castaways. Sinabi rin ni Paolo na ang sinumang mananalo sa challenge ay makakatanggap din ng sulat mula sa kanilang mga mahal sa buhay at iba pang mga litrato. Binasa pa nga ni Paolo ang ilan sa nilalaman ng mga sulat para kina Vlad at Echo, na nagpaluha na naman sa huli.
Sa challenge, anim na castaways ang ikukulong sa isang steel cage habang hinahanap nila ang anim na rai stones (giant limestones na may butas sa gitna na nagsilbing pera sa Palau noong unang panahon) sa loob ng kagubatan. Kailangang makuha ng castaways ang anim na rai stones na nakalagay o nakatago sa anim na stations.
May mga hooks na nakapalibot sa steel cage kung saan nila isasabit ang rai stones. Kapag nahanap na nila lahat ng rai stones, kailangan nilang pumunta sa kani-kanilang tribe mats kung saan kailangan nilang ilagay ang lahat ng stones sa isang weighing scale, na mag-aangat naman sa susi na magbubukas sa apat na padlocks ng kanilang cage. Kapag nakawala na ang castaways, kailangan nilang tumakbo pabalik sa kanilang starting base. Kung sino ang unang makarating doon ang siyang mananalo at makakakuha ng mga sulat mula sa kanilang mga mahal sa buhay.
Maagang nakaungos ang Koror at hindi na nakahabol ang Airai. Sa huli, naipanalo ng Koror ang kanilang ikalawang Immunity Challenge.
Pagkatapos nilang matalo sa challenge, halos magmakaawa si Vlad kay Charles na iboto nito si Louie sa susunod na Tribal Council. Ang hindi alam ni Vlad ay nasa likuran lang nila si Mika at napakinggan ang usapan.
Nang ipaalam ni Mika ang kanyang presence ay sinabi ni Vlad na si Louie ang "mastermind" at gusto raw nitong ilaglag si Mika at si Tara.
Pagbalik nila sa camp, hindi nagsayang ng oras si Vlad at sinabi niya agad kina Mika, Tara, Troy, at Charles ang "master plan" ni Louie. At napagkasunduan nila na si Louie ang tanggalin nila sa Tribal Council.
Nakarating naman kay Louie ang sinabi ni Vlad mula kay Cris, at nagulat siya na may ganun palang plano si Vlad laban sa kanya. Kaya nagplano naman si Louis na si Vlad ang tanggalin sa Tribal Council.
Sa huli, mas pinaboran ng nakararami na si Vlad ang tanggalin.
MAYA VS. JUSTINE. Matatandaang sa unang Tribal Council ng Airai ay pinatalsik nila ang lady pilot na si Maya Segovia.
Pagkatapos ma-vote out ni Maya sa huling Tribal Council ay dinala siya sa Isla Purgatoryo kung saan kailangan niyang harapin si Justine sa isang face-off challenge. Ang sinumang manalo sa kanila ang siyang makakakuha ng Immunity bracelet at mananatili sa Isla Purgatoryo ng tatlo pang araw hanggang sa dumating ang susunod na castoff.
Ito na ang ikalawang face-off challenge ni Justine pagkatapos niyang talunin si Ma'am Carol sa una.
Nang malaman ni Justine na sundalo pala si Maya ay nag-alala siya sa kanilang magiging challenge. Pero nanaig pa rin si Justine sa huli nang talunin niya si Maya sa kanilang face-off challenge.
Dahil dito, tuluyan nang napatalsik sa Survivor Philippines: Palau si Maya.
Sa pagkakatalsik ni Vlad, siya naman ang makakaharap ni Justine sa susunod na face-off challenge.
Gerald Anderson at Cosmo Bachelor Bash
Si Gerald din ang nakakuha ng pinakamalakas na hiyawan mula sa mga tao sa loob ng NBC Tent, kung saan kasama niyang rumampa ang iba pang Cosmo Centerforlds this year na sina Aljur Abrenica, Ejay Falcon, Akihiro Sato, JC Tiuseco, Phil Younghusband, Xian Lim, at Daniel Matsunaga. Hindi naman nakarating sina Sid Lucero at Joem Bascon.
Pero halatang nahiya si Gerald nang sabihan na siya ang "pinakabida" among the bachelors na rumampa dahil siya nga ang huling tinawag.
"Hindi naman, hindi naman... Masaya lang. Sobrang nag-enjoy ang mga tao kaya nag-enjoy din kami," sabi ni Gerald nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng NBC Tent.
Does he feel above the rest sa nangyaring show?
"Ah, hindi naman. Noong lumabas kami, pantay-pantay kaming lahat," sagot niya.
TOPLESS GERALD. Ano ang naramdaman niya na walang tigil ang tilian ng audience—na karamihan ay mga babae at bading—habang rumarampa siya?
"Nakakahiya nga!" bulalas ng young actor. "Parang ayaw ko ngang lumabas kanina. Pero masaya. Sobrang nakakatuwa talaga. Pero siyempre, kinilig din ako kahit paano. Ito ang first time na mag-topless ako talaga."
Two months din daw ang naging preparation ni Gerald for the event.
Ano ang exact feeling niya noong finally ay umakyat na siya sa stage?
"Nahiya ako, first time ko kasi, tapos Cosmopolitan pa. Pero pag-akyat ko sa stage, sobrang overwhelmed ako nang makita ko ang mga tao. May mga water guns pa sila!" sagot ni Gerald, na ang tinutukoy ay ang water guns na gamit ng audience upang basain ang rumarampang models at artista na gusto nila.
Ano ang naging motivation niya para mapapayag siyang rumampa nang naka-topless sa harap ng maraming tao?
"Siyempre noong tinanong ako, of course, overwhelmed ako. Masaya ako, so ginawa ko. At saka ginawa ko ang lahat para maging maganda ang outcome."
Bago lumabas ng stage si Gerald ay ang Kapuso star na si Aljur Abrenica muna ang tinawag sa stage. Nag-usap ba sila ni Aljur sa backstage kahit na galing sila sa magkalabang networks?
"Aljur is a good guy," sabi ni Gerald. "Nakita ko siya sa backstage, so he's also deserving. Minsan magba-basketball kami kapag may free time."
KIM'S POSSIBLE REACTION. Kung si Aljur ay pinanood ng ka-loveteam niyang si Kris Bernal upang magbigay ng suporta, hindi naman nagpunta kagabi ang kapareha ni Gerald sa Tayong Dalawa na si Kim Chiu. Pero ayon kay Gerald, inimbitahan daw niya si Kim at naiintindihan daw niya kung hindi man ito nakarating.
"Of course, pero si Kim naman, hindi siya puwede sa mga ganito," sabi ni Gerald. "Hindi siya mahilig sa mga ganito, and may trabaho rin siya ngayon. Pero si Kim naman, siya ang nagsasabi sa akin na, 'Mag-workout ka. Mag-workout ka!'"
Kung mapapanood ni Kim ang footage ng ginawa niyang pagrampa, ano kaya sa tingin niya ang magiging reaction nito?
"Ay, ewan ko!" natatawang sabi ng tanyag na ring young star ng ABS-CBN. "Sana naman maging proud siya."
Kung si Gerald man ay napapayag mag-pose sa Cosmopolitan, hindi daw niya papayagan si Kim mag-pose for a men's magazine.
"Ayaw ko siyempre, si Kim yun, e. At saka alam naman natin na napaka-wholesome ni Kim. Pero kung ano ang gusto niya, supportive ako," aniya.
TAYONG DALAWA. Dalawang linggo na lang ang nalalabi at matatapos na ang pinagsasamahan nilang primetime series ni Kim na Tayong Dalawa. Ano ang nararamdaman ni Gerald sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang teleserye?
"Nakakalungkot, pero at the same time, siyempre ang Tayong Dalawa naging consistent naman sa rating. So, masaya naman ako. Kahit papaano naman, kahit patapos na kami, masaya naman ako," saad ni Gerald.
Hindi ba sila nailang ni Kim nang gawin nila ang honeymoon scene nila sa serye?
"A, ginawa namin sa Boracay yun, e. Wala... Alam mo yung kapag nasa Boracay ka, yung atmosphere, talagang tumutulong sa amin. Siyempre, four years na kaming magkasama ni Kim. Pero hindi naman namin pinag-usapan, so we're really comfortable with each other."
Saan patungo ang loveteam nila ni Kim ngayong matatapos na ang Tayong Dalawa? May follow-up project na ba sila together o papaghiwalayin muna sila?
"Naku, hindi ko alam," sagot ni Gerald. "Sana mas maraming project to come. Sana mas marami pang matured roles."
Kung paghihiwalayin sila, okey na ba sa kanila?
"Kung yun po ang desisyon ng management. Siyempre, kahit maghiwalay man kami, alam namin sa isa't isa na magkakaroon din kami ng project in the future," sagot ni Gerald.
Celebrity Centerfolds at 2009 Cosmo Bachelor Bash
All was set for the eagerly awaited annual Cosmopolitan Magazine (Philippines) event where young, good-looking, muscled, and expectedly virile men appear before a crowd of well-dressed but screaming women and men. (Cosmopolitan Magazine is published by Summit Media Inc.)
However, when the 69 Bachelors and Celebrity Centerfolds appeared in their underwear—their half-naked bodies in full display—the audience ended up simply ogling the muscular men and their photo shoots and videos.
Fun, fearless females had the chance to see men acting out life behind prison bars—the fights, the power struggles, and more.
Around 8:30 p.m., host Joey Mead started the show by conducting naughty games sponsored by various companies. By 9 p.m., she was interrupted by a loud alarm, signaling the arrival of the "bad boys." Handcuffed guys entered the ramp, eliciting cheers from the well-heeled crowd.
"Jail warden" Joey Mead ordered the men to hit the showers and some of them did—practically naked! Some hunks had their back to the audience as they "showered" onstage. Women and gays shrieked when the buff men turned around, each holding a white towel over his private parts.
But the highlight of the evening was still to come. This came with the introduction of the "Most Wanted Criminals," a.k.a. this year's Celebrity Centerfolds.
A short video showed excerpts of the pictorials of the 10 gorgeous hunks handpicked by the Cosmo team. The top ten hunks were charged with various offenses that all had corresponding "punishments."
Case File No. 10 was The Notorious Runway Teaser; No. 9, The Bedside Bandit; No. 8, The Love Drug Dealer; No. 7, The Duke of Delirium; No. 6, The Sensual Cassanova; No. 5, The Sexy Offender; No. 4, The Lone Survivor Pirate; No. 3, The Cyber Peeping Tom; No. 2, The Thief of Hearts; and No. 1, The Mastermind of Desire.
Kapamilya star Gerald Anderson was the last to walk the ramp and he certainly got a lot of cheers and applause from the audience. Wearing a striped prison jumpsuit like the other Celebrity Centerfolds, he pulled this down to reveal his well-developed upper body. The matinee idol then walked quickly from centerstage to the end of the ramp.
"Binilisan ko talaga ang paglakad, nakakahiya, e," he told the press backstage right after the Cosmo Bachelor Bash. He had been preparing for this event for the past two months. He revealed that onscreen partner Kim Chiu wasn't able to attend that night because she had work.
For his jail sentence, Kapuso hunk Aljur Abrenica was ordered to dance, dance, dance! He smiled broadly when he saw loveteam partner Kris Bernal seated in the crowd, taking videos of him and spraying him with water. The young star almost stole the show when he took a mineral-water bottle and drenched his whole body with its contents.
Two Brazilian-Japanese models made it to the ramp this year: Akihiro Sato and Daniel Matsunaga. This marks the second time that Akihiro has been chosen as a Celebrity Centerfold, which was why he was very comfortable onstage. He will be in the latest edition of GMA-7's Celebrity Duets, so women going crazy over him will still get their fill of the fellow.
Soccer player turned reality-show contestant Phil Younghusband walked the ramp confidently with his handcuffed hands placed above his head. He maintained his air of mystery until he took off his mask as he reached the end of the ramp.
First Pinoy Sole Survivor JC Tiuseco teased the crowd when he stopped in the middle of the ramp and put his hands on the zipper of his pants. And then he smiled and wagged his finger as if saying that part was off-limits!
Katorse stars Ejay Falcon and Xian Lim also showed off their well-toned bodies during this event, which ended at around 10:30 p.m. Unfortunately, Sid Lucero and Joem Bascon, two more Cosmo hunks, were unable attend because of work.
Celebrities who watched this year's edition of the Cosmo Bachelor Bash were Carla Abellana, Kris Bernal, Maxene and her sister Saab Magalona—all of whom were first timers to the event.
PEP (Philippine Entertainment Portal) also spotted IC Mendoza, Ana Capri, and talent manager Maryo J. de los Reyes. Direk Maryo directed Aljur Abrenica and Kris Bernal in their upcoming film Nandito Ako...Nagmamahal Sa 'Yo.
Among the 69 Bachelors who walked the ramp were Mark Bautista, Carlo Guevarra of Be Bench fame, Eri Neeman, as well as Pinoy Fear Factor participantes Manuel Chua and Jose Sarasola.
Mark exuded a lot of sex appeal when he walked the ramp. He even surprised people when he lowered his pants slightly, much to the delight of the crowd.
As the show ended, confetti rained down on the "bad boys" who were now all free to unleash their naughty side!
The September 2009 issue of Cosmopolitan is now available with Carla Abellana on the cover. It comes with the Cosmo Men supplement containing photos of the 69 Bachelors and the 10 Celebrity Centerfolds.