Wednesday 6 May 2009

Sam Concepcion: still virgin at 16?

Ang Gigger Boys—composed of Sam Concepcion, AJ Perez, Enchong Dee, Dino Imperial, Aaron Villaflor, Chris Guttierez, at Robi Domingo—ang featured arists sa Your Song Presents Boystown, na mapapanood na sa Linggo, May 10, pagkatapos ng ASAP '09, kung saan regular performers din ang grupo. Ang Boystown ay mula sa direksiyon ng nagbabalik na si Lino Cayetano.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Boystown, kagabi, May 5, si Sam. Ikinuwento niya sa amin ang kanyang role sa Boystown.

"Ako dito si Bobet, 16 years old siya. Iniwanan siya sa Boys Town nung nanay niya nung ten years old siya. Sabi ng nanay niya, 'Iiwanan kita diyan, babalikan kita sa birthday mo.' Kasi, hindi na siya kayang buhayin ng nanay niya. Hanggang ngayon, nandun pa rin si Bobet. Sixteen na siya, hindi pa rin siya binabalikan ng nanay niya sa Boys Town.

"Every birthday niya, nag-iimpake na siya. Pumupunta siya sa gate ng Boystown, hinihintay yung nanay niya. Pero umuuwi siyang umiiyak dahil hindi dumarating yung nanay niya," lahad ni Sam tungkol sa kanyang character.

Sa Boys Town sa Parang, Marikina mismo kinukunan ang mga eksena ni Sam. May mga na-meet na raw siyang mga bata sa Boys Town kapag nagte-taping sila roon.

"Nanonood kasi sila pag nagti-taping kami," sabi niya.

Ayon sa pagkakaalam ni Sam ay hindi masasamang mga bata ang nasa Boys Town.

"Yung mga iba, kaya napunta doon, sinave sila from the streets. Yung mga iba naman, iniiwan ng mga magulang doon. Hindi sila yung katulad ng iniisip ng mga tao na masasamang mga bata. Sila yung mga bata na nangangailangan lang ng guidance," saad ng young singer-actor.

GIGGER BOYS. Sa grupo nilang Gigger Boys, sino ang pinaka-close sa kanya?

"Actually, lahat po sila, sa totoo lang, sabay-sabay ko lang nakilala na Gigger Boys. So, pare-pareho lang sila," sagot ni Sam.

Sino ba ang pinaka-pasaway sa kanilang grupo?

"Actually, in a way, lahat kami medyo... Pag makulit kami, makulit talaga kami!" natatawa niyang sabi.

NEVER BEEN IN LOVE. Sixteen na si Sam pero hindi pa niya na-experience na magkaroon ng girlfriend. Hindi siya katulad ng ibang kabataan na kahit nasa elementarya pa lang ay nakikipagrelasyon na.

Kailan nga ba susubukan ni Sam na manligaw at magkaroon ng girlfriend?

"Kasi ano po, e, yun nga, marami akong ginagawa. And alam ko na it will not be the right time for it. In time naman po talaga, e. Although siyempre, nandoon na yung feeling... But, hindi rin, e. Gusto ko yung ginagawa ko, e, yung continuous learning sa craft ko—yung singing, dancing, performing, acting, pagho-host, yung ganoon, and school. Those are my priorities," saad niya.

Kahit crush, wala ba siya?

"Meron naman," sagot ni Sam. "Ang sinasabi ko lang po, parang hindi pine-pursue."

Sino ba ang showbiz crush niya?

"Pag tinatanong ako tungkol diyan, pag sumasagot ako, ang sinasabi sa akin, ba't daw masyadong matatanda ang mga crush ko. Walang lang... Si Anne [Curtis], si Kim [Chiu] sila yung mga crush ko," pag-amin ni Sam.

1 comment:

  1. we're at the same age...he can be my boyfriend and i will give him a very ertoic sex life

    ReplyDelete