Pero bago pa man maisalang at hanggang sa matapos ang show ay hindi nawala ang kaba sa dibdib at hiyang nararamdaman ni JC. Kitang-kita yun sa kanya onstage, pero, nakangiti nga itong humingi ng pang-unawa sa audience na pagpasensiyahan siya dahil first time niya lang ginawa ang kumanta ng live.
At sa first show ni JC, naipakita niyang kaya pala niyang magdala ng show dahil napuno talaga ang Zirkoh at na-sold-out ang tickets ng show niya. Naaliw naman kami sa kanya nang mapa-dialogue ito ng, "Naku, lalo akong ninerbiyos!" nang malaman nga niyang punung-puno ang Zirkoh.
A few hours before the show at Zirkoh's dressing room, tinanong siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano nakapag-udyok sa kanya to come up with a pre-birthday show.
Aniya, idea ito ng management agency na nagha-handle sa kanya. "It's also a benefit show na ang magbe-benefit, yung CBC Foundation. Parang patubig sa isang community sa Bulacan.
"Pero kung ako po ang tatanungin, hindi ako papaya [na mag-show] kasi, three months pa lang ako sa showbiz. Hindi ko kaya 'to. Kahit ako, aminadong hindi ko kaya 'to. Hindi ko alam kung bakit ako nandito," natatawang sabi niya na hindi talaga mapakali sa magkahalong excitement at kaba sa una nga niyang solo show.
So base sa eksplenasyon niya, lumalabas na napilitan lang siya sa ginagawa niya?
"Noong malaman ko naman po na may magbe-benefit na foundation, sige na, okey na sa akin," nakangiti pa rin niyang sabi.
Ultimate Challenge ang title, so, yun talaga ang napi-feel niya?
"Ultimate Challenge kasi, hindi naman ako kumakanta, hindi rin ako sumasayaw. At saka, sobrang mahiyain ako, di ba? Kaya sobrang challenge sa akin ito. Ngayon pa lang, parang gusto ko nang matapos, gusto ko nang umuwi. Ha-ha-ha!"
Sa mga ginagawa niya ngayon, masasabi na ring tila lahat ng klase ng challenge sa showbiz ay nagagawa na niya. From being the first Pinoy Survivor, to hosting, acting at ngayon nga ay ang mag-perform naman in a solo show.
"Happy naman po ako. At least, na-experience ko ito sa buhay ko. Hindi rin naman po lahat ng tao, nakaka-experience ng ganito. At saka, first showbiz birthday ko rin po. Masaya rin po kasi ako sa ginagawa ko. Para siyang hindi trabaho sa akin. Enjoy lang ako sa kung ano ang dumarating, kung ano ang ipinapagawa sa akin."
KATRINA HALILI. Si Katrina Halili ang naging special guest niya. May naglalabasan na ring items na crush daw niya ang Kapuso female star, especially, nang makilala niya ito nang magkasama sila sa trabaho.
"Maganda naman po si Katrina. Masarap po siyang katrabaho. Nakatrabaho ko na rin po siya sa Dear Friend. Nag-Maynila rin po kaming dalawa. Okey naman po."
Yung tipo ba ni Katrina ang mga type niya?
"Bakit naman po hindi? Okey naman po si Katrina, mabait naman po siya."
Between Katrina and Jewel Mische na pareho niyang nakasama sa Dear Friend, masasabi niya bang mas attracted siya kay Katrina?
"Hindi ko po alam. Pero, mas nakakausap ko po kasi si Katrina than Jewel noong taping. 'Tapos, si Kat pa po, dalawang beses ko nang nakakasama. Noong nag-taping kami ni Jewel, okey naman po, mabait naman po si Jewel, pero, hindi pa lang kami masyadong naging close."
Sa huli, tinanong namin si JC kung ano ba ang birthday wish niya. "Gusto ko lang palaging masaya, lalo na yung mga tao sa paligid ko. Like sa career, sana mas umangat pa. More projects to come. At saka, sana okey lahat. Walang problemang darating,'' sabi ng first Pinoy Sole Survivor.
No comments:
Post a Comment