Showing posts with label Hot Photos. Show all posts
Showing posts with label Hot Photos. Show all posts

Friday, 18 September 2009

Janvier Daily's second movie role in "Bayaw"

. Hindi nagdalawang-isip ang sexy actor na si Janvier Daily sa pagtanggap sa indie film na Bayaw, idinirek ni Monti Parungao. Naging big hit ang Bayaw sa nakaraang Cinemalaya Philippine Independent Film Festival. Among exhibition films, ito yung nagkaroon pa ng second screening due to insistent public demand.

Kasama ni Janvier sa Bayaw ang beterano na rin sa indie films na si Paolo Rivero, kung saan gumaganap sila bilang mag-bayaw na nagkaroon ng sexual relationship sa isa't isa pagkatapos ng isang krimen.

"Minsan na lang ako kung gumawa [ng pelikula]," banggit ni Janvier sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Mas naglalagi ako sa hometown namin sa Baguio. Ang inasikaso ko, yung modelling. More on fashion shows ako.

'Two years bago nasundan yung Roxxxanne [his indie movie with Sheree and Jay Aquitania]. Pangalawa ito na malaki ang role ko. Sobrang challenging naman kasi ng role kaya tinanggap ko. Yung gaganap sa role ni Renan sa istorya ng Bayaw, kailangang matapang ang loob. Ginawa ko lang ang trabaho ko.

"Nag-usap kami nang masinsinan ni Paolo doon sa mga delikadong eksena, like love scenes. 'Pag nasa set kami, nakatuon ang pansin namin ni Paolo doon sa characters namin. Ginagawa lang namin ni Paolo kung ano ang sabihin ng direktor namin. 'Pag nag-cut na, balik na agad sa reyalidad. Masarap katrabaho ang direktor namin, magaan. First time ko sa kanya. Makulit siya na mahilig magbiro kaya okey lang. Parang naglalaro lang kami sa set."

Anu-ano pa ang dapat asahan ng marami kay Janvier pagkatapos ng Bayaw?

"Hindi ko alam kung may susunod pa akong movie," sagot niya. "Kung mayroon man, ibibigay ko Yung 100 percent na kailangang ibigay ko."

ETHEL BOOBA. Sa totoong buhay, malabo naman yatang mangyari kay Janvier ang nangyari sa kanya sa pelikula na nagkaroon siya ng sexual involvement sa kanyang bayaw.

Pero sa mga kaganapan sa showbiz noong pumasok si Janvier sa eksena, na-involve siya sa comedienne na si Ethel Booba. Ano na ang nangyari sa kanila?

"Matagal na yun, closed book na sa nakaraan ng buhay ko," sabi niya. "Marami akong natutunan sa mga nakaraang intriga sa buhay ko. Walang permanente sa mundo. Masasabi ko lang, nangyari lang ang dapat mangyari. Ganoon lang talaga ang buhay. Kailangang tanggapin ang reyalidad."

NOT AN EXHIBITIONIST. Kahit daw nakunan siya ng nude photo na lumaganap noon, sinabi pa rin ni Janvier na hindi siya exhibitionist na nag-e-enjoy nang pinaghuhubad sa harap ng kamera.

"Hindi naman kaswal na ginagawa ko ito. Kinakailangan sa pelikula, kaya nagawa ko ngang maghubad. As an artist, may challenges na dumarating na gaya niyan. Ito ang trabaho ko, e. Kailangan lang ng lakas ng loob," saad niya.

Ang Bayaw, na naging topgrossing film sa NETPAC World Competition ng Cinemalaya, ay binigyan ng R-18 rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Pagkatapos ng ilang linggong pakikipag-meeting sa MTRCB panelists, ang controversial film ay ni-reedit ni Monti kaya ang mga mahahalagang eksena na gustong mapanood ng mga tao ay nandun pa rin. Kailangang huwag silang kumurap para hindi nila ito ma-miss.

Magbubukas ang Bayaw sa mga sumusunod na sinehan: Robinsons Galleria, Ruben, Remar, Gotesco Grand, Gotesco Ortigas, Isetann, at New Cinema Cebu. Mapapnood din ito sa Robinsons Ermita, Robinsons Bacolod, Robinsons Iloilo, Robinsons Novaliches, at Robinsons Metro East sa mga susunod na linggo.

Saturday, 12 September 2009

Download "Cosmo Bash 2009" Videos


. DOWNLOAD PART 1:


DOWNLOAD PART 2:



. Watch Video Here:




JC Tiuseco says topless is the most daring he'll go

. Kahit nagsimula bilang modelo si JC Tiuseco at nakarampa na before sa Cosmopolitan Bachelor Bash, hindi pa rin daw talaga maiwasang hindi siya kabahan. Yun ang sinabi niya nang mamataan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ilang minuto bago magsimula ang Cosmo Bash '09 noong Huwebes ng gabi sa NBC Tent.

Pero noong rumarampa na raw siya ay nawala na ang kaba niya.

"Sobrang saya at saka, hayun nga, flattered ako at saka honored. Ikaw ba naman, tilian ka ng mga babae, parang nakaka... parang sobrang saya, di ba?"

Dugtong din niya, "Pero noong nasa backstage ako, sobrang kaba talaga. Medyo nanginginig-nginig pa, kasi nga naka-diet pa ako. Medyo nag-crash diet ako dahil hindi ako nakapag-gym. Hindi ako nakapag-diet.

"Pero noong rumarampa na ako, sobrang saya na talaga at pini-feel ko lang yung music."

Habang rumarampa raw siya, nakita niya ang grupo nina Maxene Magalona who went to Cosmo Bash para magbigay ng support sa kanya bilang kasamahan nila sa afternoon series na Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin.

"Masaya naman ako dahil sinusuportahan nila ko at siyempre, pati na rin yung ibang mga Kapuso stars."

KAPUSO AND KAPAMILYA TOGETHER. Hindi raw kumpetisyon among the Centerfolds ang naramdaman niya habang rumarampa kundi pare-pareho lang sila.

Aniya, "Sa akin wala, e. For me, walang kumpetisyon. Kasi, once part kayo ng Centerfolds, kung sino-sino man kayo, happy na ako na nakasama ako sa top 10."

Maganda ang ginawa ng Cosmopolitan magazine na napagsama-sama sa isang event ang mga Kapuso at Kapamilya stars.

Kaya tanong namin kay JC, since magkakasama sila backstage ng mga Kapamilya stars, how was it naman?

"Okey!" nakangiti niyang sabi. "Actually yung iba, first time kong na-meet like sina Ejay [Falcon], sila Xian [Lim], first time ko silang na-meet pero okey naman, mababait naman sila. Si Gerald Anderson naman, nakaka-basketball ko na before. Okey naman kami. Batian agad."

Ramdam naman daw niya ang suportahan nilang mga Kapuso stars sa isa't isa especially since halos lahat sila naging kabado sa ginawang pagrampa.

"Lalo na kami ni Aljur Abrenica. Alam niya kasi na naka-crash diet ako kaya sabi niya, bro, 'eto, puwede mong kainin 'to. Hindi ko alam kung anong klaseng fish yun pero sabi niya, okey raw, puwede ko raw kainin yun."

TOPLESS. Ano ang nakapagpa-inspire sa kanya sa ginawa niyang pagrampang yun?

"Siyempre, na-inspired ako, nakita ko yung mga tao. Nakita ko kung gaano karami ang mga taong nanonood kaya dun pa lang, na-inspired na 'ko."

Naka-topless lamang siya sa pag-ramp. Sa palagay niya ba, yun na ang pinaka-daring na magagawa niya?

"Oo, e... feeling ko, yun na siguro ang pinaka-daring ko," nakangiti niyang sabi.

Click HERE to watch the video of the Celebrity Centerfolds walking the ramp at the Cosmo Bachelor Bash.

Friday, 11 September 2009

Model Vlad Nesas voted off in Survivor

. Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay nagtanggal ang Airai ng sarili nilang miyembro sa ika-apat na Tribal Council ng Survivor Philippines: Palau.

Ang napagkaisahan nilang patalsikin ay ang professional model na si Vlad Nesas dahil sa pagiging tuso nito sa kanyang mga kasamahan. Nakakuha si Vlad ng kabuuang limang boto, samantalang si Louie Ang naman ay nakakuha ng dalawang boto.

Sa kanyang exit interview, sinabi ni Vlad na inaalala raw niya ang "best interest" ng kanilang trino, pero hindi raw iyon nakita ng kanyang mga kasamahan. "Pinuri" rin niya si Louie dahil sa husay raw nitong "manloko at magpaikot."

SWITCHING TRIBES. Bago ang Reward Challenge sa pagitan ng Airai at Koror ay nagulat ang mga nalalabing castaways nang i-announce ng host na si Paolo Bediones na magkakaroon ng pagbabago sa kani-kanilang tribo.

Inutusan ni Paolo ang castaways na tanggalin ang kanilang buffs—na sumisimbolo sa kinaaaniban nilang tribo—at pumili ng blindfolds na gagamitin nila sa pagpili ng kanilang bagong tribo mula sa green at orange parchments. Ang green ay para sa Koror at ang orange ay para sa Airai.

Nanatili sa Koror sina Marvin, Suzuki, at Echo, samantalang nadagdag naman sa kanila ang mga dating taga-Airai na sina Shaun, Amanda, at Jef.

Nanatili naman sa Airai sina Cris, Troy, Vlad, at Mika, samantalang nalipat sa kanila ang mga dating taga-Koror na sina Louie, Charles, at Tara.

May naging masaya sa naging pagpapalit ng tribo at meron namang hindi.

Dahil sa pagbabago ng bawat tribo, naapektuhan bigla ang diskarte at alyansa ng mga castaways. At dito na nga nagsimula ang "gapangan" upang makapagsimula sila ng panibagong alliance at iligtas ang kanilang sarili pagdating ng Tribal Council.

REWARD CHALLENGE. Pagkatapos magpapalit-palit ng mga miyembro ang Koror at Airai, sinimulan na rin agad ang Reward Challenge.

Sa challenge na ito, binigyan ang bawat tribo ng kani-kanilang giant map ng Palau, kasama na ang 16 states nito at slots para sa kani-kanilang flags. Kailangang lumangoy ng castaways papunta sa kanilang cheat board para malaman nila kung saan dapat ilagay ang bandila ng partikular na state. Mula sa cheat board, kailangang kunin ng castaways ang isang flag at lumangoy pabalik sa giant map, kung saan nila kailangang ilagay ang bandila sa slot nito. Ang unang team na makakumpleto ng paglalagay ng 16 flags sa tamang puwesto nito ang siyang mananalo.

Ang reward: isang kariton ng ilan sa pinakapaboritong streat foods ng mga Pinoy—gaya ng fishballs, kikiam, tukneneng—at isang cart ng samalamig.

Ang bagong Airai ang nanalo sa challenge.

Pagkatapos ng Reward Challenge ay bumalik na sa kani-kanilang kampo ang Airai at Koror, kung saan ipinakita ng mga natirang miyembro ang kanilang kampo sa mga bago nilang kakampi.

Pero hindi pa man sila nagtatagal ay may ilan na sa kanila ang nagplano ng kanilang susunod na hakbang, partikular na sa Airai kung saan sinabihan ni Vlad sina Charles at Louie na kalimutan na nila ang samahan nila sa dati nilang tribo at umanib sa alyansa nila.



THE IMMUNITY CHALLENGE. Muling nagharap ang bagong Airai at bagong Koror sa Immunity Challenge, kung saan sinabi ni Paolo na may kasamang reward para sa tribe na mananalo sa challenge.

Inabot ni Paolo sa castaways ang mga litrato ng kanilang mga mahal sa buhay, na nagpaluha at nagpalambot ng puso ng castaways. Sinabi rin ni Paolo na ang sinumang mananalo sa challenge ay makakatanggap din ng sulat mula sa kanilang mga mahal sa buhay at iba pang mga litrato. Binasa pa nga ni Paolo ang ilan sa nilalaman ng mga sulat para kina Vlad at Echo, na nagpaluha na naman sa huli.

Sa challenge, anim na castaways ang ikukulong sa isang steel cage habang hinahanap nila ang anim na rai stones (giant limestones na may butas sa gitna na nagsilbing pera sa Palau noong unang panahon) sa loob ng kagubatan. Kailangang makuha ng castaways ang anim na rai stones na nakalagay o nakatago sa anim na stations.

May mga hooks na nakapalibot sa steel cage kung saan nila isasabit ang rai stones. Kapag nahanap na nila lahat ng rai stones, kailangan nilang pumunta sa kani-kanilang tribe mats kung saan kailangan nilang ilagay ang lahat ng stones sa isang weighing scale, na mag-aangat naman sa susi na magbubukas sa apat na padlocks ng kanilang cage. Kapag nakawala na ang castaways, kailangan nilang tumakbo pabalik sa kanilang starting base. Kung sino ang unang makarating doon ang siyang mananalo at makakakuha ng mga sulat mula sa kanilang mga mahal sa buhay.

Maagang nakaungos ang Koror at hindi na nakahabol ang Airai. Sa huli, naipanalo ng Koror ang kanilang ikalawang Immunity Challenge.

Pagkatapos nilang matalo sa challenge, halos magmakaawa si Vlad kay Charles na iboto nito si Louie sa susunod na Tribal Council. Ang hindi alam ni Vlad ay nasa likuran lang nila si Mika at napakinggan ang usapan.


Nang ipaalam ni Mika ang kanyang presence ay sinabi ni Vlad na si Louie ang "mastermind" at gusto raw nitong ilaglag si Mika at si Tara.

Pagbalik nila sa camp, hindi nagsayang ng oras si Vlad at sinabi niya agad kina Mika, Tara, Troy, at Charles ang "master plan" ni Louie. At napagkasunduan nila na si Louie ang tanggalin nila sa Tribal Council.

Nakarating naman kay Louie ang sinabi ni Vlad mula kay Cris, at nagulat siya na may ganun palang plano si Vlad laban sa kanya. Kaya nagplano naman si Louis na si Vlad ang tanggalin sa Tribal Council.

Sa huli, mas pinaboran ng nakararami na si Vlad ang tanggalin.

MAYA VS. JUSTINE. Matatandaang sa unang Tribal Council ng Airai ay pinatalsik nila ang lady pilot na si Maya Segovia.

Pagkatapos ma-vote out ni Maya sa huling Tribal Council ay dinala siya sa Isla Purgatoryo kung saan kailangan niyang harapin si Justine sa isang face-off challenge. Ang sinumang manalo sa kanila ang siyang makakakuha ng Immunity bracelet at mananatili sa Isla Purgatoryo ng tatlo pang araw hanggang sa dumating ang susunod na castoff.

Ito na ang ikalawang face-off challenge ni Justine pagkatapos niyang talunin si Ma'am Carol sa una.

Nang malaman ni Justine na sundalo pala si Maya ay nag-alala siya sa kanilang magiging challenge. Pero nanaig pa rin si Justine sa huli nang talunin niya si Maya sa kanilang face-off challenge.

Dahil dito, tuluyan nang napatalsik sa Survivor Philippines: Palau si Maya.

Sa pagkakatalsik ni Vlad, siya naman ang makakaharap ni Justine sa susunod na face-off challenge.

Gerald Anderson at Cosmo Bachelor Bash

. Being the cover boy of the Cosmo Centerfolds this year, understandable kung bakit naging kaabang-abang ang pagrampa ng Kapamilya star na si Gerald Anderson sa ginanap na Cosmo Bachelor Bash 2009 kabagi, September 10, sa NBC Tent, The Fort, Taguig City.

Si Gerald din ang nakakuha ng pinakamalakas na hiyawan mula sa mga tao sa loob ng NBC Tent, kung saan kasama niyang rumampa ang iba pang Cosmo Centerforlds this year na sina Aljur Abrenica, Ejay Falcon, Akihiro Sato, JC Tiuseco, Phil Younghusband, Xian Lim, at Daniel Matsunaga. Hindi naman nakarating sina Sid Lucero at Joem Bascon.

Pero halatang nahiya si Gerald nang sabihan na siya ang "pinakabida" among the bachelors na rumampa dahil siya nga ang huling tinawag.

"Hindi naman, hindi naman... Masaya lang. Sobrang nag-enjoy ang mga tao kaya nag-enjoy din kami," sabi ni Gerald nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng NBC Tent.

Does he feel above the rest sa nangyaring show?

"Ah, hindi naman. Noong lumabas kami, pantay-pantay kaming lahat," sagot niya.

TOPLESS GERALD. Ano ang naramdaman niya na walang tigil ang tilian ng audience—na karamihan ay mga babae at bading—habang rumarampa siya?

"Nakakahiya nga!" bulalas ng young actor. "Parang ayaw ko ngang lumabas kanina. Pero masaya. Sobrang nakakatuwa talaga. Pero siyempre, kinilig din ako kahit paano. Ito ang first time na mag-topless ako talaga."

Two months din daw ang naging preparation ni Gerald for the event.

Ano ang exact feeling niya noong finally ay umakyat na siya sa stage?

"Nahiya ako, first time ko kasi, tapos Cosmopolitan pa. Pero pag-akyat ko sa stage, sobrang overwhelmed ako nang makita ko ang mga tao. May mga water guns pa sila!" sagot ni Gerald, na ang tinutukoy ay ang water guns na gamit ng audience upang basain ang rumarampang models at artista na gusto nila.

Ano ang naging motivation niya para mapapayag siyang rumampa nang naka-topless sa harap ng maraming tao?

"Siyempre noong tinanong ako, of course, overwhelmed ako. Masaya ako, so ginawa ko. At saka ginawa ko ang lahat para maging maganda ang outcome."

Bago lumabas ng stage si Gerald ay ang Kapuso star na si Aljur Abrenica muna ang tinawag sa stage. Nag-usap ba sila ni Aljur sa backstage kahit na galing sila sa magkalabang networks?

"Aljur is a good guy," sabi ni Gerald. "Nakita ko siya sa backstage, so he's also deserving. Minsan magba-basketball kami kapag may free time."

KIM'S POSSIBLE REACTION. Kung si Aljur ay pinanood ng ka-loveteam niyang si Kris Bernal upang magbigay ng suporta, hindi naman nagpunta kagabi ang kapareha ni Gerald sa Tayong Dalawa na si Kim Chiu. Pero ayon kay Gerald, inimbitahan daw niya si Kim at naiintindihan daw niya kung hindi man ito nakarating.

"Of course, pero si Kim naman, hindi siya puwede sa mga ganito," sabi ni Gerald. "Hindi siya mahilig sa mga ganito, and may trabaho rin siya ngayon. Pero si Kim naman, siya ang nagsasabi sa akin na, 'Mag-workout ka. Mag-workout ka!'"

Kung mapapanood ni Kim ang footage ng ginawa niyang pagrampa, ano kaya sa tingin niya ang magiging reaction nito?

"Ay, ewan ko!" natatawang sabi ng tanyag na ring young star ng ABS-CBN. "Sana naman maging proud siya."

Kung si Gerald man ay napapayag mag-pose sa Cosmopolitan, hindi daw niya papayagan si Kim mag-pose for a men's magazine.

"Ayaw ko siyempre, si Kim yun, e. At saka alam naman natin na napaka-wholesome ni Kim. Pero kung ano ang gusto niya, supportive ako," aniya.

TAYONG DALAWA. Dalawang linggo na lang ang nalalabi at matatapos na ang pinagsasamahan nilang primetime series ni Kim na Tayong Dalawa. Ano ang nararamdaman ni Gerald sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang teleserye?

"Nakakalungkot, pero at the same time, siyempre ang Tayong Dalawa naging consistent naman sa rating. So, masaya naman ako. Kahit papaano naman, kahit patapos na kami, masaya naman ako," saad ni Gerald.

Hindi ba sila nailang ni Kim nang gawin nila ang honeymoon scene nila sa serye?

"A, ginawa namin sa Boracay yun, e. Wala... Alam mo yung kapag nasa Boracay ka, yung atmosphere, talagang tumutulong sa amin. Siyempre, four years na kaming magkasama ni Kim. Pero hindi naman namin pinag-usapan, so we're really comfortable with each other."

Saan patungo ang loveteam nila ni Kim ngayong matatapos na ang Tayong Dalawa? May follow-up project na ba sila together o papaghiwalayin muna sila?

"Naku, hindi ko alam," sagot ni Gerald. "Sana mas maraming project to come. Sana mas marami pang matured roles."

Kung paghihiwalayin sila, okey na ba sa kanila?

"Kung yun po ang desisyon ng management. Siyempre, kahit maghiwalay man kami, alam namin sa isa't isa na magkakaroon din kami ng project in the future," sagot ni Gerald.


Celebrity Centerfolds at 2009 Cosmo Bachelor Bash

. Whistles were handed out to guests who entered the NBC Tent last night, September 10, during the 2009 Cosmo Bachelor Bash. In line with its theme "Cosmo Cell Block 69," spectators were supposed to help capture the "bad boys" by blowing on their whistles when they see them coming. Special guests were given water guns so they could spray their favorite hunks.

All was set for the eagerly awaited annual Cosmopolitan Magazine (Philippines) event where young, good-looking, muscled, and expectedly virile men appear before a crowd of well-dressed but screaming women and men. (Cosmopolitan Magazine is published by Summit Media Inc.)

However, when the 69 Bachelors and Celebrity Centerfolds appeared in their underwear—their half-naked bodies in full display—the audience ended up simply ogling the muscular men and their photo shoots and videos.

Fun, fearless females had the chance to see men acting out life behind prison bars—the fights, the power struggles, and more.

Around 8:30 p.m., host Joey Mead started the show by conducting naughty games sponsored by various companies. By 9 p.m., she was interrupted by a loud alarm, signaling the arrival of the "bad boys." Handcuffed guys entered the ramp, eliciting cheers from the well-heeled crowd.

"Jail warden" Joey Mead ordered the men to hit the showers and some of them did—practically naked! Some hunks had their back to the audience as they "showered" onstage. Women and gays shrieked when the buff men turned around, each holding a white towel over his private parts.

But the highlight of the evening was still to come. This came with the introduction of the "Most Wanted Criminals," a.k.a. this year's Celebrity Centerfolds.

A short video showed excerpts of the pictorials of the 10 gorgeous hunks handpicked by the Cosmo team. The top ten hunks were charged with various offenses that all had corresponding "punishments."

Case File No. 10 was The Notorious Runway Teaser; No. 9, The Bedside Bandit; No. 8, The Love Drug Dealer; No. 7, The Duke of Delirium; No. 6, The Sensual Cassanova; No. 5, The Sexy Offender; No. 4, The Lone Survivor Pirate; No. 3, The Cyber Peeping Tom; No. 2, The Thief of Hearts; and No. 1, The Mastermind of Desire.

Kapamilya star Gerald Anderson was the last to walk the ramp and he certainly got a lot of cheers and applause from the audience. Wearing a striped prison jumpsuit like the other Celebrity Centerfolds, he pulled this down to reveal his well-developed upper body. The matinee idol then walked quickly from centerstage to the end of the ramp.

"Binilisan ko talaga ang paglakad, nakakahiya, e," he told the press backstage right after the Cosmo Bachelor Bash. He had been preparing for this event for the past two months. He revealed that onscreen partner Kim Chiu wasn't able to attend that night because she had work.

For his jail sentence, Kapuso hunk Aljur Abrenica was ordered to dance, dance, dance! He smiled broadly when he saw loveteam partner Kris Bernal seated in the crowd, taking videos of him and spraying him with water. The young star almost stole the show when he took a mineral-water bottle and drenched his whole body with its contents.

Two Brazilian-Japanese models made it to the ramp this year: Akihiro Sato and Daniel Matsunaga. This marks the second time that Akihiro has been chosen as a Celebrity Centerfold, which was why he was very comfortable onstage. He will be in the latest edition of GMA-7's Celebrity Duets, so women going crazy over him will still get their fill of the fellow.

Soccer player turned reality-show contestant Phil Younghusband walked the ramp confidently with his handcuffed hands placed above his head. He maintained his air of mystery until he took off his mask as he reached the end of the ramp.

First Pinoy Sole Survivor JC Tiuseco teased the crowd when he stopped in the middle of the ramp and put his hands on the zipper of his pants. And then he smiled and wagged his finger as if saying that part was off-limits!

Katorse stars Ejay Falcon and Xian Lim also showed off their well-toned bodies during this event, which ended at around 10:30 p.m. Unfortunately, Sid Lucero and Joem Bascon, two more Cosmo hunks, were unable attend because of work.

Celebrities who watched this year's edition of the Cosmo Bachelor Bash were Carla Abellana, Kris Bernal, Maxene and her sister Saab Magalona—all of whom were first timers to the event.

PEP (Philippine Entertainment Portal) also spotted IC Mendoza, Ana Capri, and talent manager Maryo J. de los Reyes. Direk Maryo directed Aljur Abrenica and Kris Bernal in their upcoming film Nandito Ako...Nagmamahal Sa 'Yo.

Among the 69 Bachelors who walked the ramp were Mark Bautista, Carlo Guevarra of Be Bench fame, Eri Neeman, as well as Pinoy Fear Factor participantes Manuel Chua and Jose Sarasola.

Mark exuded a lot of sex appeal when he walked the ramp. He even surprised people when he lowered his pants slightly, much to the delight of the crowd.

As the show ended, confetti rained down on the "bad boys" who were now all free to unleash their naughty side!

The September 2009 issue of Cosmopolitan is now available with Carla Abellana on the cover. It comes with the Cosmo Men supplement containing photos of the 69 Bachelors and the 10 Celebrity Centerfolds.


Sunday, 6 September 2009

Akihiro Sato HOT HOT Pictures











JC Tiuseco takes to the ramp

. Nakausap namin si JC Tiuseco kagabi, September 5, bago ito mag-work out sa Gold's Gym, bilang preparasyon niya sa nalalapit na pagrampa niya sa Cosmopolitan Bachelor Bash sa September 10 sa NBC Tent.

Second time na raw ni JC sa Cosmo Bash, pero first time niyang mag-centerfold. Nung una siyang napasama rito in 2007, isa lang siya sa 69 Cosmo Men. Model pa lang siya noon.

"Last year kasi, hindi ako nakasama dahil yun ang time na nasa Survivor Philippines ako. Yung 2007 naman, nagmo-model pa lang ako. Kaya ngayon, parang mas malaki ang pressure."

Nakangiti man siya, pero aminado si JC na kinakabahan daw siya.

"Siyempre, excited ako, pero kinakabahan din. Kasi, hindi mo alam kung ano ang mai-e-expect mo sa tao. Baka i-boo nila ko ru'n. Nakakahiya yun," natatawa niyang sabi.

Ano ba ang mga preparations niya?

"Actually, isa pa yun sa nakakaragdag ng pressure sa akin. Kasi, halos ngayon lang ako magsisimulang mag-work out. Hindi ako nakakapag-work out dahil kakatapos lang ng taping namin for Kung Aagawin [Mo Ang Lahat Sa Akin]."

Baka confident naman kasi siya sa katawan niya?

"Siguro, kasi kahit hindi naman ako nakakapag-work out regularly, mine-maintain ko naman yung sa kain ko. Pinipigil ko naman yung sarili ko kapag sobrang kumakain na 'ko."

Last night, kasama ni JC na nag-work out ang iba pa niyang co-Mercartor talents na sina Akihiro Sato at Daniel Matsunaga na katulad niya'y mga featured centerfolds din ng Cosmo Men ngayong taong ito.

KUNG AAGAWIN REACHING FINALE. Nag-final taping day na daw ang afternoon series niya na Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin. Basta abangan na lang daw ang ending nito dahil siguradong marami ang magugulat sa mangyayari.

"Hindi ko pa sure kung ilang weeks pa siya ipapalabas, baka two or three weeks pa siya ipapalabas. Pero ang saya ng soap. Pati yung cast. Sobrang bonded kaming lahat du'n, pati mga crew, staff, ang babait."

Kanino ba siya naging close sa show?

"Actually lahat, e. Pati yung mga cameraman, kakulitan namin. Pati yung mga AD [assistant director], minsan, hirap na kaming umarte kasi tawa kami nang tawa. Sa cast, promise, lahat sila naging ka-close ko. Glaiza [de Castro], Rich [Asuncion], Jace [Flores]. Si Jace naman, matagal na. Si Patrick Garcia, hindi ko akalain na magiging ka-close ko, pero, mabait siya."

Si Maxene Magalona ang kapareha niya, di ba?

"Okey naman, okey naman si Maxene. Masarap siyang katrabaho. At saka, hindi siya nagagalit kahit madalas akong mag-buckle."

GREAT EXPERIENCE. First serious acting job niya ang Kung Aagawin, kaya marami raw siyang natutunan at hindi makakalimutan sa show.

"Actually, sabi nila, like sila Direk, sabi nila, patay raw ako kasi, mamimiss ko raw itong Kung Aagawin... kasi, ibang-iba yung nangyari sa amin. Parang sobrang saya, hindi ka mabo-bore sa taping, kulitan lahat. Mga staff, mababait. E, madalas daw hindi ganu'n.

"Sa acting ko naman, kahit paano, maganda naman yung mga naririnig kong feedback, lalo na yung pa-last namin. Malaki na raw ang in-improve ko. Tulad ni Ms. Anne Villegas, yung acting coach namin, sinabi niyang malaki na raw ang in-improve ko. May mga scenes na nakakaiyak na 'ko. Yung ganoon, so, okey naman."

So far, hindi pa raw niya alam kung ano ang ibibigay sa kanyang follow-up project ng network, pero regular pa rin naman daw siyang napapanood sa Unang Hirit.

Mas gusto na ba niya ngayon ang acting sa hosting?

"Pareho, e... kasi, like yung taping namin, Tuesday and Thursday. Kapag Tuesday, inaabot nang umaga. So, diretso na 'ko ng Unang Hirit, hindi pa rin ako nabo-bore. May energy pa rin ako. So, pareho ko lang silang nae-enjoy."

PINOY SURVIVOR. Kinamusta rin namin kay JC ang Pinoy Survivor ngayon, kunsaan siya ang kauna-unahang Pinoy Survivor.

Aniya, "Ang ganda! Ang ganda ng show nila! Actually, matagal akong hindi nakapanood. Puro taping nga. Pag-uwi ko, tapos na or hindi ko naabutan. Pero kagabi, nakapanood ako. At kahit hindi ako nakakapanood ng mga last episodes, noong pinanood ko kagabi, nakaka-excite pa rin kung bakit ganoon ang nangyayari. Maraming twist na nangyayari sa kanila. May ibang island pa na pinupuntahan ang natatanggal."

Mas exciting ba sa tingin niya itong season ngayon kesa nung nakaraaan?

"Siguro pagdating sa mga twist, mas exciting yung sa kanila kasi mas maraming nangyayari. Mas magulo sila ngayon kesa sa amin. Yung sa amin naman kasi, bago pa lang, so, ini-introduce pa lang sa audience, so, hindi puwede yung ganoon kagulo, malilito na ang mga tao."

Nakikita ba niya ang sarili niya sa mga castaway ngayon?

"Oo, e... kapag nanonood ako, nare-reminisce ko yung mga nangyari before."

Wala pa raw siyang bet sa ngayon kung sino sa palagay niya ang tatanghaling survivor, pero kung sinuman yun, naniniwala raw siyang karapat-dapat lang.

"Kung sinuman yun, naniniwala ako na na-experience rin niya kung ano ang na-experience ko or maybe more, baka mas nahirapan siya or mas nadalian siya. Siyempre, may common denominator na kami. Pareho kaming survivor, 39 days pareho at kung ano ang na-feel ko, na-feel niya rin. Kahit hindi ko pa siya kilala, siyempre, mas marami na kaming pagkakapareha."

At this point, naniniwala naman daw si JC na kahit magkaroon ng bagong Survivor, kahit paano ay nakagawa na rin siya ng pangalan niya sa showbiz.

"Okey naman, happy naman ako sa itinatakbo ng career ko ngayon. Marami naman ng naibigay na opportunity, mga projects, tapos, okey naman ang Kung Aagawin... mataas ang rating, so, happy naman ako du'n."

Dugtong pa niya, "Hindi naman ako nagda-doubt na baka mapalitan or what, alam ko naman na aalagaan pa rin ako ng network at siyempre ng management ko."

Akihiro Sato hopes to repeat last year's Cosmo Bash success

. Among the featured centerfolds for the 2009 Cosmopolitan Bachelor Bash, we could say that Brazilian model and Celebrity Duets contestant Akihiro Sato has the most pressure on him.

At the Cosmo Bash last year, Akihiro was the most applauded among the bachelors. He has to prove consistency this year as the crowd is now more familiar with him.

"Well, I'm just thinking, what I'm gonna do with the show. I don't know what they will gonna ask for us to do. But I'm sure, walang top and it would gonna be fun. I believe, it's again an exciting thing to do for the Cosmopolitan Bachelor's 2009."

Dugtong pa niya, "Yung last year, it was really a privilege, an experience na lahat naman ng tao sa Pilipinas, gusto ko. I don't know. I'm just enjoying here and I'm just enjoying a lot in the Philippines especially the Filipinos are all nice."

Ikinuwento rin niya ang experience niya noong una siyang rumampa.

"The first time, I was really nervous. I don't know what to do but I was happy with the people's reaction. So, I hope this time, it would be more relaxing and comfortable."

Feeling naman ni Akihiro, kung ibe-base raw sa ginawa niyang pictorial for Cosmo Men, sexier raw yung last year where he was in bed, ngayon, mas "discreet" ang term na ginamit ni Akihiro.

"But I'm happy that for two years, I'm a part of the centerfolds. I just hope that more people are going to watch it."

CELEBRITY DUETS AND BIRTHDAYS. He's been preparing himself for the big night which will be on September 10 at NBC Tent.

"I'm doing more boxing this time, kasi it's giving me more good shape. Gusto ko kasi, more stronger ako. Last year, I was 72 kilos and now my weight is about 79, kaya mas malakas. Mas gusto ko yung weight ko ngayon. Kapag payat kasi ako, I look more younger."

Akihiro will turn 23 years old on Saturday, September 12. It will also be the day that Celebrity Duets will have its first elimination night.

"Yes, I don't know what will gonna happen," nakangiting pahayag niya.

"When it comes to my birthday, I don't know what will happen because it will also be my mother's birthday. We have the same day but she's in Brazil . So, I don't know. Honestly, I feel like I'm a bit missing her, so I'll talk to her. Maybe my management, Mercartor are preparing something but you know, it's also the night for Celebrity Duets."

Anong birthday wish niya?

"I wish that my mom could be here because we have the same day. But, maybe later," nakangiti pa rin niyang sabi.

Hindi ba kasama sa wish niya ang manalo sa Celebrity Duets?

"Oh, yes! It's actually my first time that I am singing and I don't know. Actually, it's mahirap. Kasi, hindi naman talaga ako singer pero, so far, okey naman. It's fun. I am enjoying, so, let's see what will gonna happen in the show."

Nag-e-expect ba siyang manalo?

"Well, it's more of I'm enjoying. In the first place, I am not a singer. More than the competition, I'm more after the experience and the fun."

Sa lahat ng mga contenders, sino ang nakikita niyang mahigpit niyang kalaban?

"Lahat naman malakas. But I think, malaka si Nonito Donaire, Jr. Also, the photographer, Niccolo [Cosme], and Gina Alajar. I like her sing."

Wednesday, 2 September 2009

Gerald Anderson in Cosmo Men

. The Cosmo squad unravels the "bad-ass" bachelors who are guilty of causing a frenzy among females and females-at-heart.

Gerald Anderson lands on the cover of Cosmo Men, the supplement accompanying the September 2009 issue of Cosmopolitan. He is one of the 10 Cosmo Centerfolds who's expected to grace the much anticipated Cosmo Bachelor Bash at the NBC Tent on September 10.

The star of Tayong Dalawa and Tiagong Akyat bares his well-defined abs and torso in this pictorial, which has a fiery concept.

Aside from showcasing the men in provocative poses, the supplement features interesting tidbits about the chosen Cosmo Centerfolds and the 69 bachelors who earned a slot in this elite list.
The other Cosmo Centerfolds are ABS-CBN stars Joem Bascon, Sid Lucero, Xian Lim, and Ejay Falcon, as well as GMA-7 talents Phil Younghusband, JC Tiuseco, and Aljur Abrenica. Two models also made the cut: Akihiro Sato (who is part of the Kapuso show Celebrity Duets 3) and Brazilian-Japanese model Daniel Matsunaga.

JC is an Unang Hirit host and star of Kung Aagawin Mo Ang Lahat sa Akin, football player Phil was part of the second season of Celebrity Duets, and Aljur is currently part of the Kapuso teleserye All My Life. In the Kapamilya network, Joem was last seen in the afternoon soap Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers. Sid is cast in Dahil May Isang Ikaw, while both Ejay and Xian are part of Katorse.

Listed among the 69 bachelors are actors Edgar Allan Guzman, who was last seen in the the indie film Astig, and Andrew Miguel of the indie film Bayaw.

The September 2009 issue of Cosmopolitan is now available in all leading bookstores and magazine stands nationwide at P125 per copy.

Xian Lim on Sexy Roles

. Isa sa hottest male newcomers ngayon ay si Xian Lim. Kasama siya sa cast ng bagong drama series ng ABS-CBN na Katorse, along with Erich Gonzales, Enchong Dee, and Ejay Falcon.

Guwapo at sexy si Xian, pero hindi raw siya papayag na mabastos sa harap ng kamera. Kaya may limitasyon siya sa paghuhubad—sa pelikula man o sa telebisyon.

"Siyempre, hindi naman ako papayag na gumawa ng isang eksena na yung binabastos na ako or bastos na lalabas," sabi ni Xian nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Payag naman daw si Xian sa mga seksing eksena, huwag lang sumobra.

"Meron naman akong limitation... Frontal [nudity], hindi ko kaya," aniya.

Nagsasalita na ba siya ng patapos na never siyang maghuhubo't hubad sa harap ng kamera.

"Nagsasalita po ako ngayon, kasi bata pa ako. Maybe as I grow, as I mature, kaya na yung iba pang mas daring na eksena. Sa ngayon kasi, bata pa ako, kaya may mga limitations pa talaga ako," sagot ng 20-year-old actor.

Hindi naman daw siya nag-iinarte. Kaya naman daw niyang gawin ang isang eksena basta makakatulong sa pelikula o sa kanya mismo bilang isang artista.

"Siyempre kung maganda yung mensahe niya sa istorya, why not? Babasahin ko muna yung istorya, tapos kung yung mensahe niya maganda at madaming mai-inspire na tao, then why not?" saad ni Xian.

Kung pagagawin siya ng mga maselang eksena tulad sa Hollywood movie na Brokeback Mountain?

"I don't have anything against that movie, pero ako naman sa sarili ko, kapag dumating man yun, hindi ko naman masasabi. Yung mensahe naman talaga ang importante, it does not have to be award-winning, basta inspiring siya sa mga tao at maganda ang kahulugan," paliwanag ng young actor.

What about gay roles?

"Maybe as I mature. Twenty pa lang ako. As I mature as an actor, maybe. Meron pa akong limitations ngayon because of my age as I grow older I will see what I can do."

Ano ang mga bagay na capable siyang gawin bilang isang artista na sa palagay niya ay hindi kayang gawin ng co-stars niya sa Katrose na sina Enchong at Ejay?

"Sa akin naman, I'll do my best at all times. Hindi lang naman ako, lahat kami, yun naman ang magagawa namin. Hindi ko alam kung ano ang edge ko sa kanila, siguro mga audience na lang ang makakapagsabi niyan. All I can do is do my best," ani Xian.

Ano ang expectations niya sa Katorse?

"Ine-expect ko sana mag-work, mag-rate ng mataas," sagot niya. "Lahat naman kami hoping na ganun. And hopefully yung performance ko, magustuhan ng mga tao. Kayong lahat [entertainment press], sana nandito pa din kayo, tinatanong n'yo pa din ako. Kasi baguhan ako at naiintindihan ko na kailangang mag-aral nang mag-aral.

Mukhang nami-meet naman ang expectations ni Xian dahil base sa reports ay mataas ang rating ng Katorse.

Akihiro Sato: "It doesn't matter kung girls or gays."

. Diretsahang inamin ng Brazilian-Japanese model na si Akihiro Sato na crush niya ang Kapuso actress na si Iza Calzado.

"Oo, maganda siya. Pero hindi ko pa siya na-meet. Once ko pa lang siya nakita, sa anniversary ng GMA, we were introduced," sabi ni Akihiro sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Aminado rin si Akihiro na attracted siya sa Filipina beauties.

Ayon sa kanya, "The Filipinas are very nice looking, very beautiful people, especially in showbiz. All the big artists and singers, they all look very pretty.

May plano ba siyang ligawan si Iza kung sakaling wala itong boyfriend?

Natawa muna si Akihiro bago sumagot. Aniya, "I don't know, but she's really a good actress and really pretty, she has all the characteristics that I'm looking for in a woman."

"IT'S A PRIVILEGE TO BE LOVED." Dahil guwapo at macho si Akihiro, marami siyempre ang nagkakagusto o nagpapantasya—mapa-babae man o mapa-bading. Paano niya ito naha-handle?

"Really? I get surprised when people tell me about it, that they have fantasies about me, that they like me. Whether babae or bakla, it's a privilege for me to be loved—it doesn't matter kung girls or gays," sagot niya.

Hindi ba homophobic si Akihiro?

No, because all the gays have good heart," aniya. "I am happy with all the compliments they say about me, that's why really masaya ako to be admired by them."

AKIHIRO'S NEW HOME. Successful ang mga Brazilian models dito sa Pilipinas. At si Akihiro, na isang Brazilian-Japanese, ang isa sa itinuturing na top male models ngayon sa bansa. Happy raw si Akihiro na lahat ay nabibigyan ng chance dito sa Pilipinas.

"Not just for me, for Brazilians. And thanks to the Filipinos, that they open opportunities for foreigners who come here, like a taste for everyone. Na why do people from other countries want to be actors in the Philippines, why not in Brazil, why not in America? You guys really showed me you're friendly, really showed me you like me," pahayag ni Akihiro.

Brazilian ang ina ni Akihiro at Hapon naman ang kanyang ama na parehong nasa Brazil. Sa siyam na buwang pamamalagi ni Akihiro sa Pilipinas, last Christmas at New Year lang ulit siya nakadalaw sa pamilya niya sa Brazil.

Mga kaibigan niyang Brazilian na naunang pumunta sa Pilipinas ang naghikayat kay Akihiro na subukan ang kanyang kapalaran dito.

"They advised me that I should try to go to the Philippines because I look like a Filipino," banggit ng hunky model.

Kaya isinantabi muna raw ni Akihiro ang kanyang Physical Therapy course sa Brazil at pumunta na rito sa Pilipinas.

CELEBRITY DUETS. Isa si Akhiro sa nine contenders ng Celebrity Duets Season 3, na hinu-host nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Ano bang klaseng mga kanta ang gusto niya?

"Hindi ko alam sa ngayon, because if they give me any song, I want to challenge myself. It doesn't matter what kind of song, I'll try," sagot niya.

Lahat daw ng klase ng kantang ibibigay sa kanya sa Celebrity Duets ay aawitin ni Akihiro.

Friday, 24 July 2009

Very HOT Aljur Abrenica!






What do you prefer? Mahaba o Mapula?

Paolo Rivero's frontal nudity in "Bayaw"

. Kainitan ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival sa Cultural Center of the Philippines nang mai-premiere doon kamakailan ang Bayaw, isang kakaibang gay film na nagtatampok kina Paolo Rivero, Janvier Daily, at Andrew Miguel.

Ayon sa ilang nakapanood ng Bayaw, mukhang si Paolo ang nagdala ng pelikula. Halata raw na pinaghandaan ng aktor ang role niya rito bilang isang psychologically disturbed cop na nagkaroon ng homosexual involvement sa kanyang bayaw (portrayed by Janvier).

Lately, nalilinya sa gay roles si Paolo. Mukhang nag-e-enjoy siya rito at natsa-challenge kaya tinatanggap niya.

"Being gay in the movies is the most challenging role," pagsang-ayon ni Paolo nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Next na doon yung psychotic. Kapag lalaki ka talaga, ang hirap gumanap ng gay, kung paano mo makukumbinsi ang mga manonood. Iba-iba rin ang klase ng bading.

"Yung makipaglaplapan ka na lang sa kapwa mo lalake, it takes a lot of guts and enthusiasm to do that! I'm just putting myself into the character's shoes. All of a sudden, magugulat ka, ikaw na pala yun.

"So far, pinaka-daring na ito. Nakumbinsi ako to do frontal nudity here sa Bayaw. Yung ibang nagawa ko, daring na rin in the aspect na may mga gay lovemaking. Iba kasi ito. I really showed my private part here. Naniniwala ako sa film, kaya ginawa ko."

FUTURE POLITICIAN. Lingid sa kaalaman ng karamihan, balak ni Paolo na tumakbo bilang vice mayor ng Limay, Bataan. Medyo namomroblema nga siya dahil kumalat bigla ang frontal nude shots niyang kuha sa Bayaw, at baka nga raw gamitin itong pangontra sa kanya sa pulitika.

"Totoo, nag-worry ako dahil diyan," napapailing na sabi ng aktor. "Pero alam naman kasi ng mga taga-Limay na artista ako at lumalabas talaga ako sa daring films, na for adults ang tema.

"Hindi pa naman sigurado ang pagkandidato ko, pero involved kasi ako sa maraming youth projects sa Limay. I might back out, kasi ang makakalaban ko, cousin ko. Nagpapakita naman ako sa Limay, Bataan. By Christmas season, doon natin malalaman kung sigurado na ang pag-run ko. Kapag nag-file ako, automatic 'yan, tatakbo ako for vice mayor."

SPREAD OF SEXY PHOTOS. Hindi raw maiiwasan ang paglalabas ng stills (mga kuhang eksena sa isang pelikula) para sa publicity o promo ng pelikula. Kumalat nga raw ang mga litrato niya sa Bayaw sa Internet. Wala na raw magagawa doon si Paolo.

"Nasa tao na yun kung paano nila mai-interpret," sabi ni Paolo. "Pero alam naman nilang artista ako, at part yun ng pagiging artista ko. Kakalat at kakalat yun. Pero naiisip ko na lang, baka lalo pang ma-curious ang mga tao to my advantage. Parang yung nangyari kay Isko Moreno sa Maynila, nag-vice mayor siya kahit kumalat pa yung mga lumang litrato niya para sa mga pelikulang nagawa niya sa Seiko Films noon.

"Baka maawa pa ang mga tao sa akin, na pinagpipiyestahan nang ganoon ang hubad na photos ko. Puwedeng ganoon pa ang mangyari. I find it alarming, pero wala na rin akong magagawa pa doon."

Magkakaroon ng additional screening ang Bayaw sa Cultural Center of the Philippines this Sunday, July 26, at 3:30 p.m.

Thursday, 2 July 2009