Friday, 11 September 2009

Gerald Anderson at Cosmo Bachelor Bash

. Being the cover boy of the Cosmo Centerfolds this year, understandable kung bakit naging kaabang-abang ang pagrampa ng Kapamilya star na si Gerald Anderson sa ginanap na Cosmo Bachelor Bash 2009 kabagi, September 10, sa NBC Tent, The Fort, Taguig City.

Si Gerald din ang nakakuha ng pinakamalakas na hiyawan mula sa mga tao sa loob ng NBC Tent, kung saan kasama niyang rumampa ang iba pang Cosmo Centerforlds this year na sina Aljur Abrenica, Ejay Falcon, Akihiro Sato, JC Tiuseco, Phil Younghusband, Xian Lim, at Daniel Matsunaga. Hindi naman nakarating sina Sid Lucero at Joem Bascon.

Pero halatang nahiya si Gerald nang sabihan na siya ang "pinakabida" among the bachelors na rumampa dahil siya nga ang huling tinawag.

"Hindi naman, hindi naman... Masaya lang. Sobrang nag-enjoy ang mga tao kaya nag-enjoy din kami," sabi ni Gerald nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng NBC Tent.

Does he feel above the rest sa nangyaring show?

"Ah, hindi naman. Noong lumabas kami, pantay-pantay kaming lahat," sagot niya.

TOPLESS GERALD. Ano ang naramdaman niya na walang tigil ang tilian ng audience—na karamihan ay mga babae at bading—habang rumarampa siya?

"Nakakahiya nga!" bulalas ng young actor. "Parang ayaw ko ngang lumabas kanina. Pero masaya. Sobrang nakakatuwa talaga. Pero siyempre, kinilig din ako kahit paano. Ito ang first time na mag-topless ako talaga."

Two months din daw ang naging preparation ni Gerald for the event.

Ano ang exact feeling niya noong finally ay umakyat na siya sa stage?

"Nahiya ako, first time ko kasi, tapos Cosmopolitan pa. Pero pag-akyat ko sa stage, sobrang overwhelmed ako nang makita ko ang mga tao. May mga water guns pa sila!" sagot ni Gerald, na ang tinutukoy ay ang water guns na gamit ng audience upang basain ang rumarampang models at artista na gusto nila.

Ano ang naging motivation niya para mapapayag siyang rumampa nang naka-topless sa harap ng maraming tao?

"Siyempre noong tinanong ako, of course, overwhelmed ako. Masaya ako, so ginawa ko. At saka ginawa ko ang lahat para maging maganda ang outcome."

Bago lumabas ng stage si Gerald ay ang Kapuso star na si Aljur Abrenica muna ang tinawag sa stage. Nag-usap ba sila ni Aljur sa backstage kahit na galing sila sa magkalabang networks?

"Aljur is a good guy," sabi ni Gerald. "Nakita ko siya sa backstage, so he's also deserving. Minsan magba-basketball kami kapag may free time."

KIM'S POSSIBLE REACTION. Kung si Aljur ay pinanood ng ka-loveteam niyang si Kris Bernal upang magbigay ng suporta, hindi naman nagpunta kagabi ang kapareha ni Gerald sa Tayong Dalawa na si Kim Chiu. Pero ayon kay Gerald, inimbitahan daw niya si Kim at naiintindihan daw niya kung hindi man ito nakarating.

"Of course, pero si Kim naman, hindi siya puwede sa mga ganito," sabi ni Gerald. "Hindi siya mahilig sa mga ganito, and may trabaho rin siya ngayon. Pero si Kim naman, siya ang nagsasabi sa akin na, 'Mag-workout ka. Mag-workout ka!'"

Kung mapapanood ni Kim ang footage ng ginawa niyang pagrampa, ano kaya sa tingin niya ang magiging reaction nito?

"Ay, ewan ko!" natatawang sabi ng tanyag na ring young star ng ABS-CBN. "Sana naman maging proud siya."

Kung si Gerald man ay napapayag mag-pose sa Cosmopolitan, hindi daw niya papayagan si Kim mag-pose for a men's magazine.

"Ayaw ko siyempre, si Kim yun, e. At saka alam naman natin na napaka-wholesome ni Kim. Pero kung ano ang gusto niya, supportive ako," aniya.

TAYONG DALAWA. Dalawang linggo na lang ang nalalabi at matatapos na ang pinagsasamahan nilang primetime series ni Kim na Tayong Dalawa. Ano ang nararamdaman ni Gerald sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang teleserye?

"Nakakalungkot, pero at the same time, siyempre ang Tayong Dalawa naging consistent naman sa rating. So, masaya naman ako. Kahit papaano naman, kahit patapos na kami, masaya naman ako," saad ni Gerald.

Hindi ba sila nailang ni Kim nang gawin nila ang honeymoon scene nila sa serye?

"A, ginawa namin sa Boracay yun, e. Wala... Alam mo yung kapag nasa Boracay ka, yung atmosphere, talagang tumutulong sa amin. Siyempre, four years na kaming magkasama ni Kim. Pero hindi naman namin pinag-usapan, so we're really comfortable with each other."

Saan patungo ang loveteam nila ni Kim ngayong matatapos na ang Tayong Dalawa? May follow-up project na ba sila together o papaghiwalayin muna sila?

"Naku, hindi ko alam," sagot ni Gerald. "Sana mas maraming project to come. Sana mas marami pang matured roles."

Kung paghihiwalayin sila, okey na ba sa kanila?

"Kung yun po ang desisyon ng management. Siyempre, kahit maghiwalay man kami, alam namin sa isa't isa na magkakaroon din kami ng project in the future," sagot ni Gerald.


No comments:

Post a Comment