Sunday, 6 September 2009

JC Tiuseco takes to the ramp

. Nakausap namin si JC Tiuseco kagabi, September 5, bago ito mag-work out sa Gold's Gym, bilang preparasyon niya sa nalalapit na pagrampa niya sa Cosmopolitan Bachelor Bash sa September 10 sa NBC Tent.

Second time na raw ni JC sa Cosmo Bash, pero first time niyang mag-centerfold. Nung una siyang napasama rito in 2007, isa lang siya sa 69 Cosmo Men. Model pa lang siya noon.

"Last year kasi, hindi ako nakasama dahil yun ang time na nasa Survivor Philippines ako. Yung 2007 naman, nagmo-model pa lang ako. Kaya ngayon, parang mas malaki ang pressure."

Nakangiti man siya, pero aminado si JC na kinakabahan daw siya.

"Siyempre, excited ako, pero kinakabahan din. Kasi, hindi mo alam kung ano ang mai-e-expect mo sa tao. Baka i-boo nila ko ru'n. Nakakahiya yun," natatawa niyang sabi.

Ano ba ang mga preparations niya?

"Actually, isa pa yun sa nakakaragdag ng pressure sa akin. Kasi, halos ngayon lang ako magsisimulang mag-work out. Hindi ako nakakapag-work out dahil kakatapos lang ng taping namin for Kung Aagawin [Mo Ang Lahat Sa Akin]."

Baka confident naman kasi siya sa katawan niya?

"Siguro, kasi kahit hindi naman ako nakakapag-work out regularly, mine-maintain ko naman yung sa kain ko. Pinipigil ko naman yung sarili ko kapag sobrang kumakain na 'ko."

Last night, kasama ni JC na nag-work out ang iba pa niyang co-Mercartor talents na sina Akihiro Sato at Daniel Matsunaga na katulad niya'y mga featured centerfolds din ng Cosmo Men ngayong taong ito.

KUNG AAGAWIN REACHING FINALE. Nag-final taping day na daw ang afternoon series niya na Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin. Basta abangan na lang daw ang ending nito dahil siguradong marami ang magugulat sa mangyayari.

"Hindi ko pa sure kung ilang weeks pa siya ipapalabas, baka two or three weeks pa siya ipapalabas. Pero ang saya ng soap. Pati yung cast. Sobrang bonded kaming lahat du'n, pati mga crew, staff, ang babait."

Kanino ba siya naging close sa show?

"Actually lahat, e. Pati yung mga cameraman, kakulitan namin. Pati yung mga AD [assistant director], minsan, hirap na kaming umarte kasi tawa kami nang tawa. Sa cast, promise, lahat sila naging ka-close ko. Glaiza [de Castro], Rich [Asuncion], Jace [Flores]. Si Jace naman, matagal na. Si Patrick Garcia, hindi ko akalain na magiging ka-close ko, pero, mabait siya."

Si Maxene Magalona ang kapareha niya, di ba?

"Okey naman, okey naman si Maxene. Masarap siyang katrabaho. At saka, hindi siya nagagalit kahit madalas akong mag-buckle."

GREAT EXPERIENCE. First serious acting job niya ang Kung Aagawin, kaya marami raw siyang natutunan at hindi makakalimutan sa show.

"Actually, sabi nila, like sila Direk, sabi nila, patay raw ako kasi, mamimiss ko raw itong Kung Aagawin... kasi, ibang-iba yung nangyari sa amin. Parang sobrang saya, hindi ka mabo-bore sa taping, kulitan lahat. Mga staff, mababait. E, madalas daw hindi ganu'n.

"Sa acting ko naman, kahit paano, maganda naman yung mga naririnig kong feedback, lalo na yung pa-last namin. Malaki na raw ang in-improve ko. Tulad ni Ms. Anne Villegas, yung acting coach namin, sinabi niyang malaki na raw ang in-improve ko. May mga scenes na nakakaiyak na 'ko. Yung ganoon, so, okey naman."

So far, hindi pa raw niya alam kung ano ang ibibigay sa kanyang follow-up project ng network, pero regular pa rin naman daw siyang napapanood sa Unang Hirit.

Mas gusto na ba niya ngayon ang acting sa hosting?

"Pareho, e... kasi, like yung taping namin, Tuesday and Thursday. Kapag Tuesday, inaabot nang umaga. So, diretso na 'ko ng Unang Hirit, hindi pa rin ako nabo-bore. May energy pa rin ako. So, pareho ko lang silang nae-enjoy."

PINOY SURVIVOR. Kinamusta rin namin kay JC ang Pinoy Survivor ngayon, kunsaan siya ang kauna-unahang Pinoy Survivor.

Aniya, "Ang ganda! Ang ganda ng show nila! Actually, matagal akong hindi nakapanood. Puro taping nga. Pag-uwi ko, tapos na or hindi ko naabutan. Pero kagabi, nakapanood ako. At kahit hindi ako nakakapanood ng mga last episodes, noong pinanood ko kagabi, nakaka-excite pa rin kung bakit ganoon ang nangyayari. Maraming twist na nangyayari sa kanila. May ibang island pa na pinupuntahan ang natatanggal."

Mas exciting ba sa tingin niya itong season ngayon kesa nung nakaraaan?

"Siguro pagdating sa mga twist, mas exciting yung sa kanila kasi mas maraming nangyayari. Mas magulo sila ngayon kesa sa amin. Yung sa amin naman kasi, bago pa lang, so, ini-introduce pa lang sa audience, so, hindi puwede yung ganoon kagulo, malilito na ang mga tao."

Nakikita ba niya ang sarili niya sa mga castaway ngayon?

"Oo, e... kapag nanonood ako, nare-reminisce ko yung mga nangyari before."

Wala pa raw siyang bet sa ngayon kung sino sa palagay niya ang tatanghaling survivor, pero kung sinuman yun, naniniwala raw siyang karapat-dapat lang.

"Kung sinuman yun, naniniwala ako na na-experience rin niya kung ano ang na-experience ko or maybe more, baka mas nahirapan siya or mas nadalian siya. Siyempre, may common denominator na kami. Pareho kaming survivor, 39 days pareho at kung ano ang na-feel ko, na-feel niya rin. Kahit hindi ko pa siya kilala, siyempre, mas marami na kaming pagkakapareha."

At this point, naniniwala naman daw si JC na kahit magkaroon ng bagong Survivor, kahit paano ay nakagawa na rin siya ng pangalan niya sa showbiz.

"Okey naman, happy naman ako sa itinatakbo ng career ko ngayon. Marami naman ng naibigay na opportunity, mga projects, tapos, okey naman ang Kung Aagawin... mataas ang rating, so, happy naman ako du'n."

Dugtong pa niya, "Hindi naman ako nagda-doubt na baka mapalitan or what, alam ko naman na aalagaan pa rin ako ng network at siyempre ng management ko."

No comments:

Post a Comment