Kasama ni Janvier sa Bayaw ang beterano na rin sa indie films na si Paolo Rivero, kung saan gumaganap sila bilang mag-bayaw na nagkaroon ng sexual relationship sa isa't isa pagkatapos ng isang krimen.
"Minsan na lang ako kung gumawa [ng pelikula]," banggit ni Janvier sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Mas naglalagi ako sa hometown namin sa Baguio. Ang inasikaso ko, yung modelling. More on fashion shows ako.
'Two years bago nasundan yung Roxxxanne [his indie movie with Sheree and Jay Aquitania]. Pangalawa ito na malaki ang role ko. Sobrang challenging naman kasi ng role kaya tinanggap ko. Yung gaganap sa role ni Renan sa istorya ng Bayaw, kailangang matapang ang loob. Ginawa ko lang ang trabaho ko.
"Nag-usap kami nang masinsinan ni Paolo doon sa mga delikadong eksena, like love scenes. 'Pag nasa set kami, nakatuon ang pansin namin ni Paolo doon sa characters namin. Ginagawa lang namin ni Paolo kung ano ang sabihin ng direktor namin. 'Pag nag-cut na, balik na agad sa reyalidad. Masarap katrabaho ang direktor namin, magaan. First time ko sa kanya. Makulit siya na mahilig magbiro kaya okey lang. Parang naglalaro lang kami sa set."
Anu-ano pa ang dapat asahan ng marami kay Janvier pagkatapos ng Bayaw?
"Hindi ko alam kung may susunod pa akong movie," sagot niya. "Kung mayroon man, ibibigay ko Yung 100 percent na kailangang ibigay ko."
ETHEL BOOBA. Sa totoong buhay, malabo naman yatang mangyari kay Janvier ang nangyari sa kanya sa pelikula na nagkaroon siya ng sexual involvement sa kanyang bayaw.
Pero sa mga kaganapan sa showbiz noong pumasok si Janvier sa eksena, na-involve siya sa comedienne na si Ethel Booba. Ano na ang nangyari sa kanila?
"Matagal na yun, closed book na sa nakaraan ng buhay ko," sabi niya. "Marami akong natutunan sa mga nakaraang intriga sa buhay ko. Walang permanente sa mundo. Masasabi ko lang, nangyari lang ang dapat mangyari. Ganoon lang talaga ang buhay. Kailangang tanggapin ang reyalidad."
NOT AN EXHIBITIONIST. Kahit daw nakunan siya ng nude photo na lumaganap noon, sinabi pa rin ni Janvier na hindi siya exhibitionist na nag-e-enjoy nang pinaghuhubad sa harap ng kamera.
"Hindi naman kaswal na ginagawa ko ito. Kinakailangan sa pelikula, kaya nagawa ko ngang maghubad. As an artist, may challenges na dumarating na gaya niyan. Ito ang trabaho ko, e. Kailangan lang ng lakas ng loob," saad niya.
Ang Bayaw, na naging topgrossing film sa NETPAC World Competition ng Cinemalaya, ay binigyan ng R-18 rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Pagkatapos ng ilang linggong pakikipag-meeting sa MTRCB panelists, ang controversial film ay ni-reedit ni Monti kaya ang mga mahahalagang eksena na gustong mapanood ng mga tao ay nandun pa rin. Kailangang huwag silang kumurap para hindi nila ito ma-miss.
Magbubukas ang Bayaw sa mga sumusunod na sinehan: Robinsons Galleria, Ruben, Remar, Gotesco Grand, Gotesco Ortigas, Isetann, at New Cinema Cebu. Mapapnood din ito sa Robinsons Ermita, Robinsons Bacolod, Robinsons Iloilo, Robinsons Novaliches, at Robinsons Metro East sa mga susunod na linggo.
please help me to know, when is the regular showing of this movie BAYAW....please please please help me......
ReplyDeletesept22-29 on all rob mall
ReplyDelete