Tuesday, 28 April 2009

Enchong Dee says no sibling rivalry between him and brother AJ

Mas may nangyayari pa sa career ni Enchong Dee kaysa sa kapatid niyang si AJ Dee na nauna sa kanya. May malalaking endorsements si Enchong gaya ng Coke at Bench na hindi raw naranasan ni AJ.

Naikuwento ni Enchong na kahit daw nagkakasama silang magkapatid, hindi raw nila napapagkuwentuhan ang tungkol sa kanya-kanyang career.

"Alam kong masaya si Kuya sa nangyayari sa career ko, at kahit lumipat na siya sa GMA-7, I am also hoping na may mangyari ring maganda sa kanya sa kabilang station," sabi ng Star Magic talent na si Enchong sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Naniniwala si Enchong na magkaiba rin sila ng kapalaran ng kanyang kapatid.

"Supportive kami sa isa't isa. Kung ano ang mayroon ang isa, never naming kinainggitan. Noong Holy Week, we spent time sa Naga. Naglaro kami ng charades ni Kuya.

"Yung paglipat niya [sa GMA-7]," patuloy niya, "kahit hindi namin pinag-uusapan, alam kong may rason para doon. Baka nga ito yung panahon na may mas maganda ngang mangyari sa career niya. Let's just hope for the best.

"Naniniwala rin akong walang ginawang kasalanan ang kapatid ko kaya hindi siya nabigyan ng trabaho or break. Talagang hindi lang siguro niya panahon."

Naipagtapat ni Enchong sa PEP na may mga lumalapit din sa kanya noon para lumipat sa GMA-7, pero hindi niya raw ginawa.

"Maski noong wala pang magagandang breaks," aniya. "Kailangan lang maghintay ako, at naniniwala kasi akong hindi pa ako handa sa mga pagsubok. Dapat na mahinog pa ako. Nagpapasalamat ako sa ABS-CBN dahil binibigyan nila ako ng opportunities ngayon na nagmamarka sa mga tao. Masaya na ako dito."

BALANCING ACT. Kasama si Enchong sa powerhouse cast ng Nasaan Ka, Maruja, na pinangungunahan nina Kristine Hermosa, Derek Ramsay, Karylle, John Estrada, at marami pang iba. Nag-taping na rin siya para sa bagong youth-oriented teleserye na Boys Town.

Bukod sa considered graduate na sa kolehiyo from La Salle si Enchong, who took up a Developmental Studies course, athlete din siyang maituturing. He's into swimming.

"Naibalanse ko rin ang buhay ko kahit naging busy ako sa pag-aaral at showbiz. In between, may leisure activities ako. Aside from swimming na hindi yata ako mabubuhay kung hindi ko magagawa, I watch movies. I read books," sabi niya.

May mga intriga sa kawalan ng lovelife ni Enchong. Katuwiran niya, "Magpapayaman na muna ako. May time para riyan, at ang gusto ko sana, hindi taga-showbiz kung magkaka-girlfriend ako."

Ayaw ni Enchong ng magulong private life. Inuna niya ang mas mahahalagang bagay, gaya ng edukasyon. Sa June 20, magmamartsa siya kasama ng iba pang graduating students ng La Salle sa PICC.

"Yehey!" bulalas ni Enchong. "May special award pa ako, Athlete of the Year. May recognition awards pa at sayang na lang, hindi ako umabot sa cum laude."

As we write this, hinihintay ni Enchong ang resulta ng exams na magsasabi kung pupuwede na siyang magpatuloy ng kanyang masteral degree.

"As of now, focus na muna ako sa showbiz career. I must admit, hindi ako makapagbigay ng mas matinding panahon dito noon dahil nag-aaral ako. Siguro naman, may time na talaga ako, at napagbigyan ko na rin ang parents ko. Natapos ko na ang studies ko," 'ika ng proud graduate.

No comments:

Post a Comment