Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Sam last Sunday, April 26, sa dressing room ng ASAP '09, ay hiningan namin siya ng reaksiyon tungkol sa lumabas na balita.
"Everyone calls me 'little boy.' Si Ate Rica [Peralejo] was the one who called me 'little boy' paglabas ko pa lang in PBB [Pinoy Big Brother] house. Nagtu-tour kami before sa Heartthrobs, she called me 'little boy.' It's not naman I'm offended, but it's something I want to grow out off, magtu-twenty five na ako, 'Little boy si Sam o!' I think I'm maturing a lot the last years, I gained a lot of seriousness. It's just I want to have fun, it's not always so serious, I just want to be positive.
"If being innocent and childlike is part of being little boy, of course, it's very flattering. I hope people will look at me as a humble person, hindi suplado. Pero ayoko na when you say 'little boy,' people will look at you as childish, pasaway, or batang-isip. E, hindi naman ako batang-isip."
AWKWARD MOMENT. Sa interview ni Direk Rory Quintos sa presscon ng Only You, nabanggit niya na mas "awkward" pa si Sam kesa kay Angel nang kunan ang kissing scene at love scene nila sa Korea. Totoo ba ito?
"Yung first scene na shinoot ko was kissing scene agad, though yung kissing scene, smack lang. Itong love scene naman, first week of the soap yata mapapanood. I know Angel naman very well, but not to the level na sobrang close. It was different that we haven't been working that long, tapos the first scene pa is kissing scene, and then love scene. I feel awkward, but okay naman," paliwanag ni Sam, na unang nakatrabaho si Angel sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.
SUCCESSFUL CONCERT. Masayang ibinalita ni Sam na sa kabila ng global crisis ay naging very successful pa rin ang series of shows ng Heartthrobs—with Piolo Pascual, Bea Alonzo, Pokwang, and John Lloyd Cruz—in Canada at ibang bahagi ng U.S.
"Very successful lahat ng shows. I can say na hindi affected yung concerts namin ng global crisis. Nagulat nga ako sa dami ng tao, especially in Reno [Nevada], completely soldout, dinagdagan pa nila ng extra seats kasi super soldout. Ang daming tao, like sa Edmonton, Toronto, New Jersey, Vancouver, Texas..."
Kung may ilang artista ang inirereklamo dahil sa pagiging suplado o suplada at hindi man lang daw nagpapa-picture, isa si Sam sa pinupuri at paborito ng mga kababayan natin sa ibang bansa dahil napaka-accommodating at approachable daw nito.
"Bumaba ako ng stage to be with people, especially dun sa mga gustong magpa-picture. Siyempre, if people say something good about me, it makes me feel good. I don't want them to think na suplado o mayabang ako. Sana walang ganung stuff or anything," sabi ni Sam.
ANNE CURTIS. Bagamat matagal-tagal na rin mula nang mag-break sila ni Anne Curtis ay hindi pa rin maiwasang kumustahin kay Sam ang dating girlfriend. Sam naman is honest to admit na wala na talaga silang gaanong communication ngayon ni Anne.
"For a long, long time, hindi kami nakapag-usap. We just got busy with our own lives. We don't have taping anymore, we're not together anymore. We have a little communication, we say hi and hello every time we see each other in ASAP," sabi ni Sam.
Sa ngayon, ayaw raw muna niyang pumasok sa panibagong pakikipagrelasyon.
"'Yan ang plano ko, ayokong mag-date, ayokong manligaw. Busy din ako, super busy. Basta ako, I'm just waiting for the right person."
No comments:
Post a Comment