Wednesday, 22 April 2009

Enchong Dee will start focusing on his career now that he is about to graduate

Si Enchong Dee ang isa sa magandang halimbawa sa showbiz na sa kabila ng pag-aartista ay hindi pa rin isinantabi ang pag-aaral. Sa katunayan ay malapit na siyang mag-graduate sa kursong Political Sciene major in Developmental Science sa Dela Salle University.

"Ga-graduate na ako sa June 20 sa PICC, yehey!" masayang bungad ni Enchong sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the presscon of Komiks Presents Nasaan Ka Maruja, na ginanap kaninang tanghali, April 21, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Bakit importante sa kanya ang education?

"Very important kasi hindi ako natatakot na pag wala na akong career sa showbiz, may babagsakan akong iba kasi naka-graduate naman ako," sagot niya.

CHAMPION SWIMMER. Hindi man siya ga-graduate with honors, bibigyan pa rin daw siya ng parangal ng school niya bilang Athlete of the Year dahil na rin sa pagiging champion niya sa swimming competitions.

Very active nga si Enchong sa swimming kahit na nag-aaral siya at may showbiz career pa. Patunay nga nito ang maraming medals at awards na nakuha niya mula sa iba't ibang kumpetisyon.

"May humihingi na nga ng medals ko, e. Sabi ko, hindi ko ipinamimigay yun kasi remembrance ko yun. Pinaghirapan ko yun."

Ano yung pinaka-important na award na nakuha niya sa swimming?

"Siguro yung binigyan ako ng award as MVP sa UAAP [University Athletic Association of the Philippines]. Binigyan nila ako ng student athlete award. Kahit konti lang yung taong nakakaalam, I'm so happy kasi yun ang reward ko sa sarili ko, e."

Sa dami ng commitments niya, paano pa siya nakakapag-practice ng swimming?

"Well, every morning, I still go to school to practice. Pag may time, isinisingit ko pa rin."

Ano ang mas priority niya ngayon, ang swimming o ang pagso-showbiz?

"Dahil ga-graduate na ako, sabi ko, promise ko, since ibinigay nila [ABS-CBN at Star Magic] sa akin yung time ko sa school na hiningi ko, I'm gonna give my time to my work now. So, number one priority ko now is yung career ko. Siguro after two years, I'm gonna go back to my course, yung pinag-aralan ko."

HORROR EXPERIENCE. Happy si Enchong sa pagkakasama niya sa cast ng Komiks Presents Nasaan Ka Maruja, kung saan ginagampanan niya ang role ni Brian, ang kapatid ni Ross, played by Derek Ramsay. Siya ang tanging nakakaalam sa lihim ng kanyang kapatid.

"Very happy kasi kahit hindi ako laging napapanood every scene, pero yung bawat paglabas ko naman is very remarkable naman," sabi niya.

May pagka-horror ang Nasaan Ka Maruja, kaya naitanong tuloy ng PEP kay Enchong kung may horror experience na ba siya in real life.

"Honestly, minsan parang nararamdaman ko na may mamamatay. Pero hindi ko masyado yun iniintindi. Skeptic din ako kasi minsan baka pagod lang ako, e. Pero minsan, bigla na lang kakabog yung dibdib ko, tapos after a week, may mababalitaan na lang ako na namatay," lahad niya.

Ayaw niya bang i-enhance kung anumang meron siyang special ability?

"Noong Holy Week, ipinagdasal ko na sana mag-one step higher. Kaso minsan, parang nakakatakot din, di ba? Parang kay Maruja, kung anu-ano yung nakikita niya. Nakakatakot din kung ie-enhance ko yung ability ko. Ayoko ring buksan yung third eye ko."

Ano yung pinaka-recent na experience niya kung saan naramdaman niya na may mamamatay?

"Nung mamatay yung great grandma ko. Naramdaman ko lang. At saka nanaginip ako na may lumulutang na kabaong. Nakakatakot din."

May experience din daw si Enchong kasama ang kanyang mga kaibigan tungkol sa lalaking nakita nila sa UP na bigla na lang nawala.

"Hindi ko maipaliwanag 'yon, e. Basta medyo nakakatakot," sabi niya.

HANDLING SUCCESS. Sa hanay ng mga kabataang celebrities ngayon, isa si Enchong sa naka-survive sa showbiz kahit na walang ka-loveteam. Ano ang feeling?

"Siyempre, honored and overwhelmed. Kasi nga, lagi nilang sinasabi, paano ako makaka-survive kahit wala akong ka-partner? Pero siguro yun lang ang advantage ko. I can keep growing with the people I'm paired with.

"Like dito sa Maruja, wala man akong partner, pero the people around me are so talented and so good, di ba, like Gloria Romero. Yes, thank you Lord, nakasama ko siya. Ako kasi, hindi ako namimili ng ibibigay sa akin. Basta gagalingan ko na lang sa trabaho," saad niya.

Sa mga naka-loveteam niya, sino yung nami-miss niya?

"Si Empress [Schuck], kasi pareho kaming malakas kumain!" tawa niya.

Nalungkot ba siya na hindi nagtuluy-tuloy ang loveteam nila?

"Well, nung nag-stop naman yung loveteam, may ginawa siyang iba; ako rin may bagong ginawa. Pero meron naman kaming gagawin ulit. I'm excited. Huli kasi kaming nagka-loveteam sa Lastikman. Before that, sa Abt Ur Luv."

How does he handle yung kasikatan niya na ang dami niyang commercials at TV projects?

"Kasi minsan, hindi ko na rin naiisip na...hindi rin ako makapaniwala. Minsan may darating na lang na sinasabi kukunin daw ako for commercial. Yes, I'll go for it. Minsan nga tinatanong ko, ano kaya ang nagawa ko sa isang part ng buhay ko kung bakit nila ako kinukuha. Siguro nga, because of the education, because of the sports, my dedication to my work. Siguro yun."

Bukod sa Nasaan Ka Maruja, malapit na rin mapanood si Enchong sa bagong handog ng Your Song Presents, ang "Boystown" kung saan kasama niya ang mga kagrupo niya sa ASAP Gigger Boys na sina Dino Imperial, AJ Perez, Sam Concepcion, Chris Gutierrez, Robi Domingo, at Arron Villaflor.

No comments:

Post a Comment